BY MALAYA AREVALO Posted by Bulatlat.com there is a whisper of memories rising in the fields, the earth wet, warm with tears, names rambling in the shivering hollow of bullet shells, something is certainly swelling, the furious stirring of want, the clamoring grumble of discontent, we the farmers and workers; landless and displaced; widowed and…
Category: Poetry
Por Dios por Santo (Por Dies Porsiyento)
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat.com Por dios por santo naman, Ano na ba’ng nangyayari sa ating bayan? Ganito na lamang, ganire na lamang ang lamangan Kahit saang departamento ng pamahalaan. Ang sabi nila’y nangaglilingkod, Por dios por santo! himig nakalulugod.(At nakasusulasok!) Ang problema, lahat ng ahensiya… nangangungurakot… Lahat yata e por dies porsiyento! Ang…
May Ibinubulong ang Gulong ng Alon (Sa Bayan Naming Nagugutom)
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat Ang mahinang bulong ng gulong ng alon, Inyong ulinigin at bigyang-halaga. “May kipkip na sungit ang bagong panahon… Kailan titigil ang hampas-daluyong Na laging mabagsik ang dalang parusa?” Ang mahinang bulong ng gulong ng alon. “Ayaw nang umigpaw ang kawang talilong Na nangaglalaro’t lipos ang sasaya, May kipkip na…
Kay Eden
NI JUN PANGANIBAN AUSTRIA Inilathala ng Bulatlat Bawat aktibistang nabaon sa hukay Sa bangis-militar ng Palparang kamay Ay mitsang kandila ng pakikiramay Sa hustisya’t layang malamig na bangkay. Subalit pag-asa ay di mamamatay Ang pakikibaka ay di mananamlay Bawat aktibistang tinortyur, pinatay Kapalit ay dugo’t buhay ng kaaway! Sinulat ng may-akda noong 2003 pagkamatay ni…
Jovi, Kung Paano Ka Nila Pinaghandaan
NI AXEL PINPIN Inilathala ng Bulatlat Planado at tiyak nang simulan nilang hukayin ang libingan nilang magiging mga martir. Rigodon na nga sila at di magkamayaw upang ipagyabang sa ‘yo, Jovi, ang di nila pag-ayaw sa handog mong kamatayang walang hanggan. At inihahanda rin nila ang kanilang mga dibdib habang inaantay ang kalabog ng kamaong…
May Guhit ng Langis ang Tubig sa Guimaras
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat.com Hindi ko maisip kung anong balangkas ang maiaambag Tungkol sa tubigang hinaplos ng lapot ang banigang lawak; Mula nang lumubog ang M/T Solar One sa laot Guimaras Tila ba napudpod, naubos ang laman ng aking panulat. Ayaw kong tunghayan pupong pahayagang siyang nagtititik Kung ano’ng nalikha ng nagluksang langis…
Nang Ilibing ng mga Kongresman ang Impeachment
NI RAUL FUNILAS Bulatlat.com Bakit pumanig ka sa banig na bitbit ng mababagsik Na kongresmang maglilibing sa kasong impeachment Ni GMA? “Dahil ang halalan ay malaong lumalapit, Kaya dapat ay mahigpit na kaming sa tapis ay kumapit.” Maraming nagluksa sa pagsasaya ng mga tunggak, Maraming nagsasaya sa pagluluksa ng mga hinamak; Iniuumang na ng palasyo…
Stolen Shots
NI MARK ANGELES Bulatlat.com Tinawag nilang camera obscura, “babasaging salaming may alaala” ang maysa-de-gulat na makinang dumudukot ng mga kaluluwa. Ibinababad ang huwad na liwanag sa nakayukyok na birheng kambas. Doon naglalatak ang mantsa ng gutom, sakit, at giyera… Mahihirati sa pagkaabstrakto ang dayukdok na potograpo, kaya ihihilera ang mga biktima (sa black & white,…
Buntot
NI ROSELLE PINEDA Bulatlat.com Maliwanag ang mga mata sa dilim Dilaw ang kulay ng kanyang mga lihim Matalas ang pandinig Dugo ang kapalit ng kanyang mga titig Kung magaan ang mga yapak Sa anino nakakahanap ng lakas ang kanyang mga pakpak Kung mabigat naman at malakas ang mga yabag Pagkitil ng buhay ang dala niyang…
Lumalabo ang Lawa ng Laguna
NI RAUL FUNILAS Bulatlat.com Lumalabo itong lawa sa paglurok nitong ulan, May ragasa yaong bahang nanggaling sa kabundukan; Dahil walang sagkang ugat libong punong ibinuwal Lupang pikat ay naagnas, umaangkas, gumagapang Na ang alam kong puntahi’y ang puntod ng aking bayan. Lumalabo itong lawa sa hampas ng Maninibog, Nawiwiring kawang isda sa putika’y sumusubsob; Unti-unting…
Sa mga Gabing Di Makatulog
NI RICHARD R. GAPPI Bulatlat.com Sa mga gabing di makatulog, iniisip ko ang mga kaklaseng siguro, siguro isinilid sa drum at pagkatapos sinimentuhan; ang mga kakilalang ang mga mukha ay pinasabog ng pasistang mga bigwas, bala at putok; ang mga kapwa makata at mamamahayag na pinaslang at ikinulong dahil, dahil nais nilang gupitin ang dila…