Category: Poetry

By Paulino O. Pruel Kay sarap pakinggan Tagos sa puso’t isipan Tawag sa iyo Bayani ng bayan Sa panahong kasalukuyan Hinahangaan sa iyong katatagan Nilisan mo ang sariling bayan Hanap ay magandang kapalaran Sa ibayong dagat makikipagsapalaran Lungkot sa pamilya handang labanan Haharapin anumang kagipitan Makamit lamang magandang kinabukasan Kapalit ay lumbay at kalungkutan Ang…

(Kay Diosdado “Ka Fort” Fortuna) Ni Raul Funilas May papait pa ba sa kapeng ginawa Ng Manggagawa sa Nestle? Simula Nang pinagpapatay nitong dambuhalang Namuhunang ulol ang mga kawawang Pinuno ng welga, wala ng aromang Malalanghap dito. Nagluluksang masa Ay humihiyaw ang kirot at kaba Sa tuwinang sila’y may punong tutumba. Diosdado Fortuna, lider manggagawa,…

Ni Michael Francis C. Andrada Gumigising ka sa umaga, Isinasalang ang takore’t Hinihintay na ito’y sumipol. Tsaka mo ipahahagkan Sa takoreng nakanguso Ang tasang may pingas ang labi. Pinagmamasdan mong lumangoy Ang mainit at madilaw na tubig Sa nag-aalburotong sikmura ng tasa. Kukunin mo ang basong-tahanan Ng instant na kape – marungis Tulad ng pasmado…

By Kayan Liwari Nalalasahan mo ba ang lansa Ng dugong nanikit na sa labi ng tasa? Gumuguhit Sa sikmura ang init Ng kapeng pinapait ng galit Pinupunit Ang kaluluwa. Natighaw ba ng binotelyang tubig Ang uhaw ng tuyo mong bibig? Humihiyaw Ang bituka sa hapdi Ng lasong tahimik. Pinupunit Ang kaluluwa. At nang matunaw ang…

Ni Bienvenido Lumbera* Posted by Bulatlat Bulatlat.com NABOSESAN Isang araw, tumawag si Mam Helow Garci Helow Garci At dalawang boses ang lumutang-lutang Sa polusyon alingasaw Ng papawirin sa Kamaynilaan. Boses ni Garci, boses ni Mam. Helow Garci Helow Garci Dalawang boses nagkaintindihan, Boses ng bayaran, boses ng mastermind, Pinagbuhol ng tungkulin at kapangyarihan. Kasong electoral…

AWIT NI JESS SANTIAGO Bulatlat.com Nakakasawa ang mga pangako Nakakasawa rin ang maghintay Ang mga pangakong laging napapako Sa pagtitiwala ay pumapatay Nakakapagod din ang umasa Lalo’t ang bituka ay walang laman Napakailap sa mahirap ang histusya Lalo’t bansa ay hawak lang ng iilan Nag-People Power I, nag-People Power II Ang buhay nati’y di pa…