Category: Poetry

Ni Michael Francis C. Andrada Gumigising ka sa umaga, Isinasalang ang takore’t Hinihintay na ito’y sumipol. Tsaka mo ipahahagkan Sa takoreng nakanguso Ang tasang may pingas ang labi. Pinagmamasdan mong lumangoy Ang mainit at madilaw na tubig Sa nag-aalburotong sikmura ng tasa. Kukunin mo ang basong-tahanan Ng instant na kape – marungis Tulad ng pasmado…

By Kayan Liwari Nalalasahan mo ba ang lansa Ng dugong nanikit na sa labi ng tasa? Gumuguhit Sa sikmura ang init Ng kapeng pinapait ng galit Pinupunit Ang kaluluwa. Natighaw ba ng binotelyang tubig Ang uhaw ng tuyo mong bibig? Humihiyaw Ang bituka sa hapdi Ng lasong tahimik. Pinupunit Ang kaluluwa. At nang matunaw ang…

Ni Bienvenido Lumbera* Posted by Bulatlat Bulatlat.com NABOSESAN Isang araw, tumawag si Mam Helow Garci Helow Garci At dalawang boses ang lumutang-lutang Sa polusyon alingasaw Ng papawirin sa Kamaynilaan. Boses ni Garci, boses ni Mam. Helow Garci Helow Garci Dalawang boses nagkaintindihan, Boses ng bayaran, boses ng mastermind, Pinagbuhol ng tungkulin at kapangyarihan. Kasong electoral…

AWIT NI JESS SANTIAGO Bulatlat.com Nakakasawa ang mga pangako Nakakasawa rin ang maghintay Ang mga pangakong laging napapako Sa pagtitiwala ay pumapatay Nakakapagod din ang umasa Lalo’t ang bituka ay walang laman Napakailap sa mahirap ang histusya Lalo’t bansa ay hawak lang ng iilan Nag-People Power I, nag-People Power II Ang buhay nati’y di pa…

Ni Elektrokyut ng Anakpawis (with apologies to the kid in the TV ad) Gastos sa: Generation charge…ako Transmission charge…ako Systems loss charge…ako Ninakaw na kuryente…ako Kuryenteng di naman nila nilikha…ako Kuryenteng di ko naman ginamit…ako Kuryenteng di nasukat dahil sira pala ang metro…ako Kuryenteng ginamit ng Meralco sa nga opisina nito…ako Gastos sa: Distribution charge…ako…

Ni E. San Juan, Jr. Posted by Bulatlat.com Lumipad ka na patungong Roma at London Balisang nakalingon sa ulap lulan ng naglaboy na panaginip Lubog sa alaala ng kinabukasang unti-unting nalulunod Lumipad ka na patungong Riyadh at Qatar Sa pagkamulat kukurap-kurap sa pagtulog puso’y nagsisikip Binabagabag ng sumpang naligaw sa salawahang paglalakbay Lumipad ka na…

Ni Joi Barrios* Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy – Alliance of Concerned Teachers Ang akala ng lahat May layang magpahayag, Ngunit tayo lang ay nalingat May batas nang di mapaliwanag. (Mayroon nga ba talaga? Tiyak na tiyak?) May estasyon sa telebisyon, Bawal magbilang ng resulta ng eleksiyon, May pahayagang waring pinagbawalan Tumanggap ng…