Kung may malisyosong paggamit ng alaala, pinakita rin sa mga tula kung paano ang alaala ay puhunan ng makata upang magpugay sa mga kaibigan, kasama, at mahal sa buhay. Salalayan din ito upang idugtong ang pakikisangkot noon at ngayon sa pamamagitan ng pagkilala sa iba’t ibang ambag ng mga kakilala sa kilusang mapagpalaya.