NI RADO CERVO III
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 13 May 6- 12, 2007
Hindi na mabilang ang hakbang-kalsada
Nating Manggagawang laging may protesta
Sa masamang lakad ng mga empresang
Ang nagpapalakad ay maimpluwen’sya.
Bawat pagrarali tuwing Mayo Uno,
At ang tunggalia’y humangga sa dulo;
Asahang may ngitngit bawat Pilipino
May gitil lumaban kahit argabyado.
Mahaba nang tunay at pangmatagalan
Ang Pinoy-sa-Pinoy na paglalabanan
Nating prinsipyado’t Pulis at Militar,
Kaya Anakpawis: ituloy ang laban!
Habang nagpupula ang dakong kanluran
Ang ating adhika’y itayong matibay.
Mayo 1, 2007
Habang nasa hanay
Polomolok, South Cotabato
Inilathala ng (Bulatlat.com)








0 Comments