Sa imahinasyon ng mga bayaning nakikipaglaban sa pananakop, mahalaga ang pagpapahayag na maituturing na vandalism na gumagambala sa kapanatagan ng mga naghaharing uri. Matatandaan na sa El Filibusterismo, mahalaga ang pangyayari ng pagkatuklas ng mga paskil na nagpapahayag ng paglaban sa pang-aabuso ng mga prayle at iba pang mga pinunong Espanyol na naging dahilan upang hulihin ang mga pinaghihinalaang mga estudyante at magkaroon ng panic ang mga pinuno ng bayan sa pinaghihinalaang kilusang konspiratoryal na magpapabagsak sa pamahalaan. Sa nobela ni Rizal, pinatalsik sa pamantasan ang mga pinaghihinalaang mga estudyante kahit na iyong wala namang kinalaman sa kilusan.
Si Mariano Ponce, ang Tsina, ang Hapon at ang Amerika sa karagatan ng Pilipinas
Isang balaraw na may dalawang matutulis na dulo ang Pan Asianismo. Maaari itong gawing inspirasyon sa pagpapalaya sa bayan. Subalit maaari din itong gamitin upang manakop ang malalakas na bayang Asyano at mawalan ng teritoryo ang mga mahihina at maliliit na bayan.
OFW sa kasaysayan
Kakaiba ang ganitong patakaran dahil kung ang ilang bayan ay nakasalalay sa pagpapahalaga sa kanyang manggagawa upang manatili para sa ikauunlad ng domestikong ekonomiya, institusyonal namang sinusuportahan ng pamahalaan na mangibang bayan ang kanyang mga manggagawa para magtrabaho sa ekonomiya ng ibang lipunan.
Lindol
Mahalaga ring tingnan na ang kalimitang nagiging biktima ng lindol ang mga sektor na bulnerable at walang kakanyahang makaaagapay sa dagdag na pahirap na idudulot ng kalamidad. Kung ang isang maralita, naulila, walang trabaho, at walang tirahan ang mabiktima ng lindol, higit na magiging trahedya ito sa kanya at maaaring magdulot ng higit na kahirapan na magdadala sa kanya sa kalagayang hindi na makakaahon. Dito dapat papasok ang institusyonal na suporta sa mga nasalanta.
Latin Amerika at Pilipinas, sa pagitan ng mga rebolusyon
Hindi kataka-taka na maraming bansa sa Asya, Latina Amerika at Africa ang tumitingin sa Cuba bilang modelo ng pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mamamayan. Ang mga naganap sa Chile sa panahon ni Allende, sa Venezuela mula sa panahon ni Chavez, sa Nicaragua sa ilalim ng mga Sandinista – ang naglagay sa rehiyon sa pagpapatuloy ng diwa ng pagpapalaya sa sarili na nagdulot naman ng reaksyon ng mga konserbatibong pwersa.
Ang undas para sa mga makatang bayani sa bisperas ng kanilang burol
Marami sa mga Pilipino ang gumugunita ng Undas sa pamamagitan ng pagdalaw sa libingan ng mga namayapang mahal sa buhay. Ito ang kanilan paraan upang manatiling nasa alaala ang mga namatay, at bigyan din ng parangal ang kanilang mga nagawa noong nabubuhay pa sila. Tila gaya ito ng paggunita ng kamatayan tuwing Biyernes Santo na…
Ang mga piging at mga byahe ng pinuno ng Republika
Sa panahong pinipiga ang mga ahensya ng pamahalaan na nagbibigay serbisyong panlipunan sa mga mamamayan sa pambabarat sa kanilang badyet, pati na ang di pagbibigay ng umento sa mga guro at pagtatanggal sa mga kontraktwal na mga nars at kawani dahil sa kulang sa perang pampamahalaan – patuloy pa rin ang mararangyang piging at mga byahe Pangulo at ng mga kaalyado nito.
Si Rizal at ang alegorya ng dalawang magkapatid
Sa panahong inagaw ng mga Amerikano ang nakamit ng rebolusyong Pilipino, maraming nagkabilang bakod agad at kumampi sa bagong mananakop habang iniiwan ang mga nanatili sa labanan. Gayundin ang nangyari sa panahon ng mga Hapones, at ang kontrobersyal na usapin ng kolaborasyon sa mga kaaway. Sa panahon ng batas militar, maraming nagbanggit na mabuti sa kanila ang diktadura at awtoritaryanismo kahit na kapuna-punang maraming mga kababayan ang naging biktima nito.
Tanong ni Jacinto: Qualified ba ang pinuno?
Ayon sa kanya, ang pinuno ang dapat na maglilingkod sa mga tao, at hindi ang tao ang maglilingkod sa mga pinuno – ang pinuno ang dapat na mag iisip sa kapakanan ng nakararami bago ang sarili.
Batingaw mula Balangiga
Sa mahabang panahon, naging simbulo ang mga kampana ng karahasan at pagnanakaw ng pagkakakilanlan na kaakibat ng digmaan. Isang kabalintunaan ang naganap na pagsasauli ng mga kampana nitong nakaraan nang ipahayag ng mga opisyal na salamin ang pagsasauli ng ‘natatanging pagkakaibigan’ ng Amerika at Pilipinas. Hindi naging pagkakataon ang seremonyal na pagbabalik upang mapwersa ang Amerika na humingi ng kapatawaran sa mga ginawa nitong karahasan sa Pilipinas, na ginagawa ng ibang bayang nasa antas ng rekonsilyasyon matapos kaharapin ang pait ng digmaan.
Krisis sa bigas o paano mag-alay ng tula sa mga magsasaka
Nitong mga nakaraang buwan, halos dumapa nang husto ang presyo ng palay sa pamilihan sanhi ng pagdagsa ng mga inangkat na bigas mula sa ibang bansa. Mas mahal pa ang isang istik ng sigarilyo o isang bote ng softdrinks kaysa sa isang kilo ng palay. Sa walang habas na pagpasok ng mga inangkat na dayuhang palay, wala nang proteksyon ang mga magsasaka na pangalagaan ang kanilang mga ani sa pamilihan.