Ipinahayag ng 1872 na ilusyon ang reporma at liberalismo sa kapuluan. Ang pagkagarote sa tatlong pari ang simbolikong paalala ng lupit at dahas ng kolonyal na kaayusang hindi kayang tapatan ng ilusyon ng ideyalismong liberal na isinulong ng mga naglalayon na maging kapantay lamang sila ng mga mananakop.
Baliksaysay | Sina Chad at Rizal sa Mindanao
Gaya ni Rizal na nagsanay sa agham ng medisina, matapos ang kurso sa Computer Science at palagiang nakikilala sa kanyang katalinuhan mula pa ng pagkabata. Gaya ni Rizal, nakita ni Chad na higit na malawakan ang kaalamang maiaambag sa mga katutubo – pagbasa, pagsulat, pagkilala sa kalikasan, paglalapat ng mga konsepto sa aktwal na produksyong agrikultural at paglinang ng kapaligiran.
Baliksaysay | San Roque sa panahon ng matagalang pandemya
Sa isang makabuluhang pag-aaral sa kasaysayan ng mga pandemya, sinabi ng historyador na si William H. McNeill sa Plagues and Peoples (1976) na makabuluhan ang papel na ginagampanan ng pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa kinahinatnan ng mga kalagayang panlipunan. Ang pangkapangyarihan at panlipunang pagbabagong idinulot ng sabay-sabay at malawakang pagkakasakit ng malaking bilang ng…
#Bulatlat20 | Ang Bulatlat laban sa rebisyunismong historikal
Sa paglilinaw ng maraming usaping pangkasaysayan, ipinakita ng Bulatlat na hindi lamang usapin sa kasalukuyan ang paggigiit sa katotohanan. Sa pakikipaglaban sa rebisyunismong historikal, ipinakita ng Bulatlat ang malinaw na tindig, pananaw at pamamaraan ng mapagpalayang pamamahayag na nakasandig sa katotohanan.
Bagyo, baha at diktadura
Malawakan man ang pananalanta ng bagyo at pagbaha ng 1972, at ginawa man itong pamamaraan para sa konsolidasyon ng diktadura at katiwalian sa pamahalaan, makikita ring malaki ang ambag ng baha ng 1972 sa pagmomobilisa at pagmumulat sa mga mamamayan. Ang malawakang pagbaha ang nagbigay-daan upang mapasangkot ang maraming mga mamamayan sa pagbibigay ayuda dahil napagtanto nilang kulang o walang ginagawa ang pamahalaan upang maibsan ang pagdurusa ng marami.
Target: Obispo Ramento
Ilang mga Alberto Ramento na ang pinaslang ng mga iba’t ibang rehimen hanggang kasalukuyan kaugnay ng di matapos na red tagging, panggigipit at karahasan ng mga nasa kapangyarihan. Hanggang sa kasalukuyan, pinagbabantaan pa rin ang mga taong simbahan na kumakalinga sa karapatang pantao, sa nagsusulong ng makatarungang kapayapaan, at pambansang kararinlan sa kapuluan.
Si Gregorio Aglipay, at ang pagtutol sa base militar ng Amerika sa Pilipinas
Sa panahong nasa ilalim pa rin ang bayan sa mga di pantay na kasunduan gaya ng Visiting Forces Agreement, ng Mutual Defense Treaty, at iba pang di pantay na tratado; sa panahong pinalalaya pa rin ang mga Amerikanong militar gaya ni Pemberto na pumatay sa kababayang gaya ni Jennifer Laude, makabuluhan pa ring balikan ang mga tinuran ng mga gaya ni Gregorio Aglipay sa pagpapakahulugan sa tunay na kasarinlan.
BALIKSAYSAY | Si Jose Rizal at ang Novenario ng Birhen sa Balintawak
Sa misang Aglipayano, kalimitang mararanasang nagbabasa ng mga sulating radikal at makabayan matapos ang pagbabasa ng mga bahagi ng Bibliya. Ang mga ideya ni Rizal ukol sa pagkamakabayan at pagkamamamayan ang isa sa mga tampok na tema at babasahin sa mga tekstong nabanggit.
Ang alaala ng mga Rosa Henson
Sa halip na kilalanin bilang opisyal na ginawa ng pamahalaan noong digmaan at humingi ng tawad sa pang-aabuso, ang ginawa ng mga Hapon ay magtatag ng AWF o Asian Women’s Fund na isang pribadong pondo para sa pantulong sa mga comfort women. Marami pang kakulangan sa pagkilala sa mga naranasan ng mga comfort women. Binubura ang kanilang mga alaala sa bawat mga opisyal na pagtanggi ng kanilang pag-iral. Maraming bayan, lalo na sa Hapon, ang hindi nakapaloob ang karanasan ng mga comfort women bilang bahagi ng pagtalakay sa kasaysayan.
Ang iba’t ibang Hulyo kwatro
Sa halip na kalayaan, itinali ng mga kasunduan ang Pilipinas sa kalagayan ng pagiging palaasa at laging nakasandig sa Amerika. Sa larangan ng kabuhayan, sa kamay pa rin ng mga Amerikano ang kontrol sa kabuhayan at ekonomiya. Sa usapin naman ng depensa at militar, itinatayang nabansot ang kakanyahan ng kapuluang magpaunlad ng sariling kakanyahang pangdepensa dahil sa pagpapatuloy ng pagkakataling pangseguridad ng Pilipinas sa Amerika.
Republikang Basahan
Sa panahong maramihan pa rin ang nakararanas ng malawakang kakulangan sa pinakabatayang pangangailangan ng pag-iral ng tao bilang tao – pagkain, damit, tirahan, kalusugan, edukasyon – nananatiling mahalaga na palalimin ang kahulugan ng kalayaan. Sa panahong maraming pagbabanta sa unibersal nang kinikilala bilang karapatan ng lahat ng tao – makapagpahayag nang malaya, mamuhay nang walang takot, makapagtipon nang hindi sinusukol – nananatiling may saysay ang pagtalakay sa kahulugan ng kalayaan.