Maraming trahedya ang inianak ng Setyembre 11 na naglalahad ng pagpapatuloy ng naratibo ng tunggalian hanggang sa kasalukyang panahon. Hindi na gaya ng dati ang kalakaran sa daigdig mula noong Setyembre 11. Subalit gaya ng mga iba pang digmaan sa kasaysayan ng tao, higit na maraming dalamhati ang naranasan ng mga sibilyan tuwing magkakaroon ng digmaan.
Ang lumbay ng mga Lumad
Kung magiging katulad na ng iba pang mga taga-patag na Kristiyano ang mga katutubo sanhi ng ‘pag-unlad’ o ‘development’ na ipinapahayag ng mga nasa pamahalaan, ano na ang mangyayari sa katutubong kultura, paniniwala, kalinangan, wika, at pamamaraan ng pamumuhay ng mga lumad, ng mga Moro, ng mga taga-Kordilyera at ng mga Mangyan? Ano ang pag-unlad kung mabubura naman ang kanilang lipunan dahil lalamunin lamang ito ng mga kalinangang kanluranin?
May Mayor sa Bilibid
Nagkakaroon ng kaluwagan sa pagtrato sa mga presong may kaya samantalang tila impyerno naman sa lupa ang kalagayan ng mga mahihirap na bilanggo. Sa loob o labas man ng kulungan, napapanatili ang paghahati ng lipunan sa pagitan ng may kapangyarihan at wala.
Dengue at ang politika ng mga epidemya sa kasaysayan
Nang isakatuparan ng mga Amerikano ang rekonsentrasyon ng mga populasyon sa mga bayang itinuturing na pugad ng mga ‘irreconcilables’ o mga tumututol sa pananakop ng mga Amerikano, nilayon nila na pigilan ang pagdaloy ng mga rekurso at suplay ng mga armas, pagkain at gamot sa mga rebolusyonaryo at nakikipaglabang Pilipino mula sa mga barrio. Dahil dito, pinagsama-sama ng mga Amerikano sa maliit na lugar lamang ang mga sibilyang Pilipino at nilimitahan ang kanilang pag-alis sa mga rekonsentradong lugar. Nagkataon namang ito ang panahon na lumalawak ang kolera sa kanayunan!
Si Einstein at ang dalawang araw ng lagim sa Hiroshima at Nagasaki
Hindi ang pagkakaroon ng malawakang sandata kundi ang pag-aalis ng mga kalagayang nagdudulot sa mga tao at lipunan na makidigma sa isa’t isa ang makapagtatapos sa panganib ng digmaan.
Ang tindig ni Mabini sa pamumuno ng Republika
Ang kapakanan ng sambayanan ang lohika ng pagpapatuloy ng paghihimagsik. Kung mawawala ang kapakanan ng bayan sa isinasakatuparan ng pamumuno at pamahalaan, mawawala na rin ang batayan at lohika ng pamumuno at paghihimagsik. Sinabi ni Mabini ang aral na ito mahigit isandaang taon na ang nakaraan.
Adik!
Magpapatuloy ang ganitong malalang kalagayan kung hindi makikilala na maiuugat sa suliranin ng droga sa kalagayan ng kahirapan, ang pagkamal ng higanteng tubo ng ilan kapalit ng pagkasalaula ng buhay ng mga nagiging adik nito, at kawalang kakanyahan ng lipunang tumugon sa pangangailangan ng mga tao para sa higit na maayos na kalagayan ng buhay.
“Honorable Absent!”
Maraming mga porma ng katiwalian ang maaaring mapuna na kaugnay ng halalan mula pa noong panahon nina Huseng Batute hanggang sa kasalukuyan. Isa na rito ang pagtingin na ang mga pwesto sa gobyerno ay isang pwestong pagkakakitaan ng mga nanalo.