Pinakita sa kasaysayan ang trahedyang idinudulot ng krisis pangkalusugan sa mga pinakabulnerableng mga mamamayang nahahayag sa pagkakasakit kung walang pagpapahalaga ang lipunan sa kanilang kapakanan.
Ang epidemya at ang mga filibustero
Subalit sa halip na maging bukas sa pagpapahayag sa aktwal na kalagayan ng bayan sa usaping pangkalusugan, binansagan pa ng mga nasa pamahalaan ang mga naglalathala ng katotohanan bilang mga filibustero at kalaban ng bayan. Hindi naging bukas sa paggamit ng mga siyentipikong pag-aaral, ginamit lamang ng mga nasa pamahalaan ang mga hakbanging despotiko at absolustimo nang hindi tumatanggap at sarado sa ibang ideya.
Gutom at sakit
Pinagbawalan ang mga tao ng pamayanan na lumabas sa kani-kanilang mga tahanan. Babarilin kaagad nang walang anumang katanungan ang sinumang makikitang gumagala-gala sa labas ng pinapayagang sona. Hindi makalapit ang mga mamamayan sa kanilang mga bukirin at kabuhayan kaya unti-unti na itong napabayaan. Bumaba ang suplay ng pagkain at walang natirang kabuhayan ang mga tao.…
Mga doktor ng bayan
Sa pagsiklab ng pandemic, ang kawalan ng kakanyahan ng mga pamahalaang umasa sa pribatisasyon ang nagdala sa paglala ng krisis ng kalusugang pambayan.
Kapangyarihan, kabuhayan at kalusugan
Hindi malinaw ang pagbibigay ng impormasyon at sistema ng komunikasyon sa mga taong maaaring magkasakit kaya lumawak ang maraming maling impormasyon ukol sa ginagawa ng pamahalaan. Walang pagsasaalang-alang sa kabuhayan ng mga tao sakaling magkaroon ng malawakang kwarantenas sa mga naaapektuhang lugar.
Si Lorena Barros at ang Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan
Sa pamumuno ni Lorena Barros, inilunsad ng MAKIBAKA ang maraming protesta laban sa kahirapan at para sa demokratisasyon ng lipunan. Tiningnan nilang hindi pa malaya ang sambayanan at dominante pa rin ang mga dayuhan at mayayaman sa lipunan. Higit pa roon, binigyang diin niil na hindi magiging ganap ang kalayaan hangga’t hindi pa napalalaya ang lipunan.
Babae sa babae
Malinaw sa ganitong pahayag na kung nanaisin, makikita talaga ng historyador ang mga kababaihan; maisusulat ang kanilang mga pahayag sa sariling pananalitang kanilang ginamit; maipapahayag ang tinig ng pakikisangkot, at malilinaw na hindi tinitingnan ang pagkilos na nakalimita lamang sa mga usaping pribado at pambahay, kundi mga usaping publiko at pambayan.
Pandemic at pamamahala
Nauulit sa mga leksyon ng Influenza Pandemic ng 1918 ang kasalukuyang hamon na kinakaharap ng daigdig ukol sa COVID 19. Tila nagiging hadlang ang di maagap na pagtugon ng pamahalaan sa pagkalat ng sakit. Ang pagtapyas sa badyet sa kalusugan; ang kakulangan ng personnel at pasilidad na haharap sa pagkalat ng sakit; ang turuan at sisihan ng mga pinuno sa kung sino ang dapat na responsable sa pangunguna sa pagsugpo nito; ang racistang pananaw sa pagkakasakit; at ang kakulangan sa pagkilala sa epektibong sistema ng kwarantena ang tila nag uulit sa panganib sa kabuuan ng populasyon sa pagkalat ng sakit.
Kaninong usapan? Kaninong kapayapaan?
Mula pa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, hanggang sa kasalukuyan, nabibigo ang mga usapang pangkapayapaan dahil hindi nito tinutugunan ang dahilan ng pagrerebelyon ng mga tao.
Ang heneral at ang Taal
Sinasabi pa ngang ang dagliang tugon ng mga mamamayan gaya ni Malvar ang kabaligtaran ng tila walang pakialam o kibit balikat na tugon ng pamahalaan sa kalamidad.
Vandals
Sa imahinasyon ng mga bayaning nakikipaglaban sa pananakop, mahalaga ang pagpapahayag na maituturing na vandalism na gumagambala sa kapanatagan ng mga naghaharing uri. Matatandaan na sa El Filibusterismo, mahalaga ang pangyayari ng pagkatuklas ng mga paskil na nagpapahayag ng paglaban sa pang-aabuso ng mga prayle at iba pang mga pinunong Espanyol na naging dahilan upang hulihin ang mga pinaghihinalaang mga estudyante at magkaroon ng panic ang mga pinuno ng bayan sa pinaghihinalaang kilusang konspiratoryal na magpapabagsak sa pamahalaan. Sa nobela ni Rizal, pinatalsik sa pamantasan ang mga pinaghihinalaang mga estudyante kahit na iyong wala namang kinalaman sa kilusan.