Bulatlat
Secondary Menu
  • LATEST STORIES
    • Top Stories
    • Breaking News
    • News Analysis
    • Other Stories
  • Commentary
    1. Bulatlat Perspective
    2. Opinion
    3. Streetwise
    4. Gunita ng Salita
    5. Salungguhit

    Buryong

    March 22, 2023
    At Ground Level | US-Phl troops prepare for possible war with China

    At Ground Level | US-Phl troops prepare for possible war with China

    March 18, 2023
    Please forgive me, Professor Teodoro

    Please forgive me, Professor Teodoro

    March 15, 2023
  • Special Reports
    1. In-Depth Stories
    Double standards in the Philippine’s justice system

    Double standards in the Philippine’s justice system

    January 27, 2023
    Travels and travails of women migrant workers

    Travels and travails of women migrant workers

    January 23, 2023
    #NoGoldenEra | In 2023, public health still not a priority

    #NoGoldenEra | In 2023, public health still not a priority

    January 5, 2023
  • Multimedia
    • Video
    • Slideshow
    • Audio / Podcasts
    • News in Pictures
    • Photo of the Week
    • Street Shooter
    • Live Coverage
    • Webcast
    • Downloads
  • Special Sections
    • On the Fringes
    • Regions
    • International
    • Archived Stories
    • State of the Nation Address
    • Alternative Reader
    • Democratic Space
    • Poetry
    • Must-Reads
    • Back Story
    • Press Releases and Statements
  • About Bulatlat
    • A Product of Its Time
    • Masthead
    • Citations
    • In the News
    • Support Alternative Journalism
    • Contact Us
    • Get Updates
    • Get Bulatlat’s latest news and updates via email
    • Syndication Policy
You Are Here: Home → 2020 → October → 3 → Target: Obispo Ramento

Target: Obispo Ramento

Francis Gealogo October 3, 2020 Aglipayan Church, Alberto Ramento, Church for the Poor, Iglesia Filipina Independiente

francis gealogo iconIsang malagim na pangyayari ang naganap noong 3 Oktubre 2006 sa Tarlac. Sa pamamagitan ng saksak sa dibdib at likod, pinaslang ang pinagpipitaganang Obispo Maximo Alberto Ramento ng mga salarin. Sa paggunita ng pagkakapaslang kay OM Alberto Ramento, mahalagang alalahanin na ang inialay niyang buhay sa paglilingkod sa kapatiran, sa simbahan, sa Dios at sa bayan ang patunay lamang ng pagpapatuloy ng mahabang tradisyon ng pakikisangkot at walang pag-iimbot na paglilingkod na makikita sa Kasaysayan ng Iglesia Filipina Independiente at ng kilusang masonerya sa Pilipinas.

Ipinanganak sa pamilya ng mga magsasaka si OM Ramento sa Guimba, Nueva Ecija noong 9 Agosto 1936. Sa panahong malawakan ang konsentrasyon ng kayamanan at ng pagmamay-ari ng lupa ang mga hacendero ng Gitnang Luzon, nabuhay sa payak na pamilyang magsasaka si OM Ramento at nahayag sa sistemang kasama na nasa rurok ng malaganap na paglalapat bilang sistemang pansakahan ng pyudalismo bilang baseng panlipunan ng imperyalismong Amerikano ang kanayunan sa Gitnang Luzon.

Mahalaga ang uring pinagmulan ng Obispo sa magaganap na pagkakasangkot pangrelihiyon, pang masonerya at panlipunan sa mga susunod na yugto ng kanyang buhay. Ito ang magtatakda ng mga pipiliin niyang landasin hindi lamang sa pagpapatuloy ng bokasyon bilang pari, kundi pati na rin sa pagkilala na kailangang palawakin ang pagkakasangkot sa higit na malawak na lipunan upang maging ganap ang kanilang paglilingkod sa Dios at Bayan.

Naging mason ang Obispo Maximo. Makakakita ng liwanag ng kapatirang masonerya si OM Ramento nang magiging kasapi siya ng Bagong Buhay Lodge #17 GLP (ngayo’y Bagong Buhay Lodge #4, IGLPI) sa Cavite City; nakakuha ng liwanag bilang Entered Apprentice Mason, 11 Enero 1969; Fellowcraft Mason, 26 Marso 1969; at Master Mason, 31 Mayo 1969.

Iniugnay niya ang kanyang pagiging pari at mason sa paglilingkod sa bayan at paghahanap ng katarungan. Sa isang pahayag na binanggit niya sa pagtitipon ng mga kapatid na mason na makikita sa Archivo ng Aglipay Central Theological Seminar sa Urdaneta, ipinalangin nya ang mga kapatid na mason na magiging pinuno ng kanilang lohiya, nang kanyang sinabi:

“Save them from all error, ignorance, pride and prejudice. Direct, sanctify and govern them in their works that following the footsteps of your Son, they may give themselves to the service of their fellowmen, in truth, beauty and in righteousness.
To us all brothers in this fraternity, Grant us grace fearless to contend against evil, and make us no peace with oppression; and that we may reverently use our freedom, hep us to use it in maintenance of justice among all men according to the tenets of our beloved fraternity.”

Inordinahan ng anak ni Isabelo de los Reyes na si OM Isabelo de los Reyes Jr. si OM Ramento bilang Diakono, 8 Abril 1958; at bilang pari, 28 Abril. Sa mahabang panahon, ang paggabay at malapit na ugnayan ng batang paring si Fr. Ramento kay OM de los Reyes Jr. ang magiging batayan ng ispiritwal na pamamatunubay ng huli, lalo na at nasa panahon ito ng konsolidasyon ng bagong tuklas na lakas ng IFI nang makipag-concordat ito sa ibang pandaigdigang simbahan at malinawan ang ilang teolohikal na posisyong dadalhin ng simbahan hanggang sa kasalukuyan.

Bilang pari at mason, magiging makabuluhan ang pakikisangkot ng Obispo Maximo sa pakikibaka ng batayang masa sa pagtatamo ng panlipunang katarungan at kalayaan ng bayan.

Bilang Obispo Maximo, naging kasangkot si OM Ramento sa pagsusulong ng usapang pangkapayaan sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines bilang Third Party Depository of Documents; at kaugnay nito, naglingkod siya sa iba ibang samahan at kilusang nagsusulong ng tigil putukan at usapang pangkapayapaan sa mga armadong grupo at pamahalaan. Naging Co-Chairman ng Ecumenical Bishops Forum; Convenor ng Pilgrims for Peace; Chairman ng Promotion of Church People’s Response, 2004; isa sa mga Hukom ng International People’s Court, 2005 na naghatol sa kalagayan ng pandaraya sa halalan sa dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo; at isa sa mga nanguna sa pagsuporta sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita para sa sariling lupa kaya siya kinilala bilang Obispo ng mga maralitang manggagawa at magsasaka.

Hindi maikakaila na ang mga prinsipyong mason na isusulong ni OM Ramento ang gagabay sa kanilang mga prinsipyo hindi lamang sa kapatiran at sa kaparian.
Ginabayan si OM Ramento ng batayang prinsipyo ng brotherly love, relief and truth sa kanyang buhay mason at isinabuhay niya ito sa kanyang mga gawain sa lipunan. Sa pagmamahal kapatid, isinulong ni OM Ramento ang pangangailangang kilalanin ang kapatiran ng sangkatauhan, at ang pangangailangang makipag-ugnayan sa lahat bilang kapatid nang hindi kinikilala ang limitasyon ng uring panlipunan, kasarian, grupong etniko at relihiyong kinabibilangan. Sa kanyang panunungkulan naisakatuparan ang ordinasyon ng mga babaeng pari, ang pakikipag ugnayan sa mga kapatid na katutubo at migranteng manggagawa na siya ngayong pangunahing pagkakasangkot ng simbahan. Ang pagtulong niya sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita at ang pagbubukas ng simbahan sa pagtulong sa mga manggagawa ang buhay na pagsasakatuparan ng prinsipyo ng relief. At higit sa lahat, ang paggiit niyang alamin ang katotohanan ng usaping pangkapangyarihan at pangkabuhayan ang pagsasabuhay ng masonikong prinsipyo ng truth o katotohanan na nakamtan niya sa masonerya.

Kung susuriin, naging maliit ang kapatirang masonerya pati na ang simbahang Aglipayano sa malaking ambag ng Obispo sa pagtatamo ng kalayaan at katarungang panlipunan. Ang kanyang diwa ang nagtakda na maglaan ng lakas, panahon at buhay para sa kagalingan ng iba at hindi para sa sarili.

Bago siya pinaslang, ilang mga taong simbahan na rin ang naging biktima ng karahasang pampolitikal at nag alay ng mga buhay para sa bayan. Labis itong ikinabahala at ikinalungkot ni OM Ramento. Subalit hindi ito nangahulugan ng pananahimik. Bagkus, naging pagkakataon pa nga ito upang lalong mapatatag ang kanyang kaisipan at paninindigan para sa kapakanan ng nakararami. Sa okasyon ng pagkamatay ng kasamahang pari na si Fr. William Tadena, sinabi niya

“…. ito ang kaharap ng bawat pastol. Ito ang hamon sa atin ngayon. Ano ba ang diwang ito? Ano ba ang damdaming ito na pinapahayag ng ating kapatid, ng ating pari, ng ating pastol na si William? Ito ay ang diwa ng Iglesia Filipina Independiente. Ito ang diwa ng mga Aglipayano na minana natin mula sa ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay, nagbuwis ng dugo upang nang sa gayon ay malayang maipahayag ang diwa, damdamin ng tunay na Kristiyano….
Ipagpatuloy natin na tayo ay mga Aglipayano. Tulad ng aking sinabi, at sasabihin pa. Takot ako, takot tayo.pero na sa ating dugo ang maglingkod. Tayong mga Aglipayano, nasa ating dugo ang pagmamahal sa bayan. Ipagpatuloy po natin nang sa gayon, mabago naman ang ating lipunan na ginagalawan.
Ang sinumang hindi maglingkod sa kanyang kapatid, lalong lalo na sa mga aba; ang sinumang hindi tumatangkilik sa mga inaapi, sa mga napabayaan, sa mga nagugutom, sa mga nauuhaw, sa mga political prisoners – hindi tunay na Kristiyano.

Sa pagkapaslang kay UCCP Pastor Edison Lapuz, nagbigay si OM Ramento ng pag uugnay sa pananampalataya at sa paghahanap ng katarungang panlipunan sa kasalukuyang panahon. Ang pagkamartir ng mga taong simbahan sa panahon ng panunupil ang siyang nagpapatunay ng buhay na paralelismo ng paghahanap ng katarungan sa banal na aklat at sa kasalukuyan. Sinabi niya

“…He died but died a martyr in the arena of struggle while the Neros who give sign to kill and who sang while Rome was burning, enjoyed the glory flow of blood of martyrs. But martyrdom is not the end of life as from the death of the martyr of Golgotha came Resurrection.

Today, therefore, even as we remember death of a brother, we collaborate life, the meaningful life of Pastor Lapuz in the Exodus of the Filipinos.

I think at this point, that it is worth comparing two exodus, exodi? Exoduces? Never mind my grammar I speak Filipino English. The Exodus of the Israelites and the Exodus of the Filipinos and took at the role of Pastor Edison.

When Yahweh acted to free the Israelites in Egypt he did choose Moses as his instrument of liberation. The good pastor like Moses, heard the call of Yahweh and said “here I am Lord, send me.” While Moses made a miracle that made river Nile red, it was the blood of Edison that made the river red. The Israelites had to escape from Egypt, but we have no place to escape from, this is our promise land.

Remember also that Israelites were exiled in Babylon and by the riverside they cried and wept. We have not reached the ended of our exodus yet but also like exiled people in our own land. Again Edison did not stay in a safe place by the river bank but again, went down to the river and struggled against the strong current of domination, oppression and injustice.

Subalit ang pinakamalawak na pagkakaugnay niya sa mga batayang masa ng magsasaka at manggagawa ang siya ring naglagay sa kanya ng ligalig. Sa kanyang paglilingkod sa mga manggagawa ng Cavite at mga magsasaka ng Tarlac, lalo na sa Hacienda Luisita, naging target ang Obispo ng mga panggigipit at paniniktik. Ilang banta na sa kanyang buhay ang kanyang kinaharap subalit hindi ito nagpahina sa kanyang paninindigan. Sa pakikihikayat sa ibang sektor na mamuhay gaya ng mga magsasaka, ipinaliwanag niya ang kanyang pangunahing pinaniniwalaan:

“Ang lupa ay sa Dios. Hindi papel, hindi kontrata ang kailangan kundi ang kontrata sa lupa ay nasa langit at ang kontratang iyan na may ari ng lupa na may titulo ay ang Dios. Ang kauna unahang nagbigay ng reporma sa lupa ay ang Dios nang ibigay Nya ang lupa sa tao upang mula sa lupa, mula sa pawis ng iyong mukha matatagpuan mo ang iyong pagkain, hanggang manumbalik ka sa lupa. Iyan ay isang lumang himno ng aming Simbahan at iyon ang aming theology of land. At ang land reform doon sa Israel – makikita natin iyong 12 tribes of Israel, binigyan sila ng kanya kanyang lugar, at iyong mga miyembro ng tribo ay pinaghati hatian din nila pero ang may ari ng lupa ay ang Dios. Dahil dito, wala dapat ang busog na busog at walang nagugutom at sinabi kapag may taong nagugutom at wala kang ginawa, ikaw ay makasalanan. Dahil dito, malaking kasalanan ng isang komunidad kung marami ang walang lupa at mayrong isa o iilan na nagpapasasa sa pakinabang ng lupa. Masahol pa ito sa magnanakaw; masahol pa ito sa murderer; masahol pa ito sa nangangalunya. Napakalaking kasalanan na ipagkait ang napakalawak na lupa sa bayan…

Looking at the people here in Hacienda Luisista, God is lonely. I invite you, let us go on and save God. It is now time for us to save God from his loneliness, from his suffering and the only way we can do that, the only way we can save God is to see to it that these people do not suffer anymore because God suffers with them. These are the messages I receive. But what can I do? Do I have any choice? There is no choice. I have no choice…. So your coming here is already a beginning. It is just a beginning of solidarity. You are here and you have become, you now become little Christ or Christ model from the luxuries, not very much maybe, but it is a luxury compared to the people, the kind of life that people live here. But from that luxury of life you came down. You are now incarnated and you have become residents of Hacienda Luisita. But this is but a beginning. When you go home, you may be, you know, if you are branded as an old leftist. I was dubbed a “leftist”…(They say) You are a communist. And my church is listed as one of the enemies of the State… If we walk like the duck, we talk like the duck, thereore, we are ducks. We walk like the communists, we talk like the communists, therefore, we are communists. But we have been teaching these things long before the communists were here in the Philippines. Is it our fault that the communists follow our teachings?

Malaon nang binabansagang komunista ang mga taong simbahan na piniling maglingkod sa sambayanang kanilang kasimbahan. Ilang mga Alberto Ramento na ang pinaslang ng mga iba’t ibang rehimen hanggang kasalukuyan kaugnay ng di matapos na red tagging, panggigipit at karahasan ng mga nasa kapangyarihan. Hanggang sa kasalukuyan, pinagbabantaan pa rin ang mga taong simbahan na kumakalinga sa karapatang pantao, sa nagsusulong ng makatarungang kapayapaan, at pambansang kararinlan sa kapuluan. Target pa rin ng pamamaslang at panunupil ang maraming mga Alberto Ramento sa kasalukuyang panahon. At hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring mga Alberto Ramento ang naninindigan para sa kapakanan ng nakararami, gaano man ang pagbabanta at karahasang kinakaharap. (https://www.bulatlat.com)

Ref.:

Aglipay Cental Theological Archives. Ramento Papers.
Bagong Buhay Lodge Membership papers.
Ramento Address on the Death of Edizon Lapuz. 2005. ms.

https://www.youtube.com/watch?v=uHC2_jYNQuk

Ang karumal-dumal na pagpaslang noong Oktubre 3, 2006 kay Bishop Alberto Ramento, makamasa at patriyotikong tagapangulo…

Publicerat av IFI Page Gallery Lördag 1 oktober 2011

*The author is a professor and former chair of the Department of History, Ateneo de Manila University; former commissioner of the National Historical Commission; convenor of Tanggol Kasaysayan; member of the Alliance of Concerned Teachers. He finished his AB History, MA in History and PhD in Philippine Studies at University of the Philippines Diliman.

Share This Post

You might also like:

  • NTC wants judge handling website blocking case to inhibit

    NTC wants judge handling website blocking case to inhibit

  • Remembering Jabidah Massacre and the Bangsamoro women’s role in the struggle for liberation

    Remembering Jabidah Massacre and the Bangsamoro women’s role in the struggle for liberation

  • Buryong

  • Why the peace talks ended

    Why the peace talks ended

  • 14200Followers
  • 28000Fans

Martin's PurrspectiveMore

  • Payapang pampang

    Payapang pampang

    March 10, 2023 0 Comment
    By DEE AYROSO
    Read the rest of this entry

Photo of the WeekMore

  • Mother and child

    Mother and child

    February 25, 2023 0 Comment
    Woman and child of the Lao Lhum tribe of Luang Prabang province, Lao People's Democratic…
    Read the rest of this entry

SUBSCRIBE

Bulatlat tweets

My Tweets
Follow @bulatlat
© 2016 Bulatlat.com ·