Nananaginip si Bobet gabi-gabi ng pagbukas niya sa bintana at rumaragasa ang putik at bato. Maitim ang ilog sa bukana ng bahay. Tinatangay ang sumasalungat na tao, manok, baboy at kalabaw. Naghuhimiyaw ang mga ito pero hindi kaya ng dambuhalang tunog ng pagragasa. At araw-araw ay gumigising si Bobet para maglakad, wala namang pinatutunguhan, pero…