Primal Fix: Gazing at the Prime Time Repertoire

Posted by Bulatlat
Vol. VII, No. 45, December 16-22, 2007

Lost in Translation
Ni.Jerrie M. Abella

Walang habas ang panlilinlang sa mundo. Sa panahon umano ng pagkawasak ng mga hangganan, may nawawala/ iwinawala sa mga de-latang ilusyong isinasalimpad ng mga higit na nakapangyayari.

Gayon na lamang ang pagkamangha ng Pilipinong manonood sa mga kakayahan at kapangyarihan ng pinagpalang kambal. Unang ipinalabas noong 2002 sa isa sa mga kulelat na istasyon sa telebisyon, ang Amazing Twins ang itinuturing na siyang pinakaunang Asianovela sa bansa. Sa isang iglap, ikinulumpon ang imahe ng mga Asyano sa larawan ng dalawang binatang mahaba ang buhok, singkit ang mga mata, mahusay sa bakbakan, at siyempre pa, matatas sa Tagalog.

Rumurok ang kasikatan ng ganitong tipo ng programa makalipas ang isang taon sa paglapag ng grupong F4 sa popular na palabas na Meteor Garden 1 at 2. Tinawag na Chinovela, mula rin sa Taiwan ang seryeng ito na kwento ng katarantaduhan at kayamanan ng apat na binata. Sa gitna ng lunang kosmopolitan, sa loob ng eksklusibong unibersidad, ipinakilala ang manonood sa katauhan ni Shan Chai, isang dalagang mahirap ngunit maabilidad, na tila ba sapat na ang kanyang matalas na mga hirit at wagas na pag-ibig upang labanan ang pang-uring antagonismo na sa kanya’y umaalipusta.

Muling nagbagong-bihis ang Chinovela upang maging Koreanovela. Mula Bright Girl hanggang Endless Love hanggang Lovers in Paris, inasulto ang mga manonood ng mga de-latang programa mula sa Timog Korea. Sumikat dahil sa kanilang simple’t maiikling banghay, tuso’t palabang mga tauhan, at higit na urbanisadong mga tagpuan, phenomenal ang inabot na kasikatan ng mga Koreanovela, sa puntong halos palitan na nito ang lokal na mga produksyon.

Sapagkat higit na mura ang pagangkat ng ganitong mga palabas kumpara sa grandiyoso’t kumplikadong paglikha ng mga Pinoy telenovela, tila nahirati na ang mga istasyon ng telebisyon sa pagbili ng mga seryeng naging patok sa mga bansang gaya ng Hapon, Taiwan at Timog Korea, pawang mga kapitalistang bansa. Dahil sa kulturang urban at maalwang pamumuhay na sinasalamin ng mga seryeng ito, hindi na nakapagtatakang maging mabenta ito sa mamamayang malaon nang iginapos ng kahirapan at atrasadong kabuhayan.

Sa pagdatal ng mga historikal o period na mga Koreanovela gaya ng Jewel in the Palace, Jumong at Hwang Jini sa kasalukuyan, tumitingkad ang bentahan ng kultura sa globalisadong pamilihan. Ang tagaluto at manggagamot ng palasyo na si Jang Geum, ang haring si Jumong, at ang kisaeng na si Hwang Jini ay pawang tinanggap at niyakap ng manonood bilang mga ahente ng umano’y kultural na pagpapalitan.

Si Hwang Jini, halimbawa, ay larawan ng babaeng tagapagbigay-aliw at bihasa sa mga sining ng pagtula, pagsayaw at pagtugtog. Sa kanyang pag-indayog sa mga tradisyonal na musika at kagamitan ng Timog Korea, suot ang mahahaba’t makukulay na mga damit, sa kanyang pagluwal ng mga metapora sa porma ng isang tula, inihahapag ng programa ang kulturang eksotiko ngunit may heyograpikal na lapit sa Pinoy na manonood.

Sa ganitong pagtuhog namayagpag/namamayagpag ang Asianovela at Chinovela noon, at Koreanovela sa kasalukuyan. Nilulubos ng kapitalismo ang merkado upang maging ang kultura’t sensibilidad ng mga bayan ay dili’t iba kundi mga produktong inilalako na rin sa pamilihan. Ito, higit sa lahat, ang nawawala/iwinawala ng isinaling panlilinlang.

(Un)fair game
By Alaysa Tagumpay E. Escandor

The advent of high capitalism has enabled the system to perpetrate beyond the corporeal. The new site of struggle is the realm of visuality, where desires and imaginations are harnessed for value production. It is no wonder, then, that media has employed various tactics to ensnare mass attention; for in the emergent visual economy, to watch is to labor.

Manufacturing reality

Thus, even in their homes, workers are bombarded with images produced by corporate media. ABS-CBN’s Pinoy Big Brother (PBB), a franchise bought from foreign-owned Endemol Inc., is packaged as a reality show that showcases authentic human behavior, even as various activities are planted to engineer the housemates’ actions. The media plotters manipulate emotions and instigate love affairs and ruckuses – the classic concoction to raise program ratings.

This season’s PBB second celebrity edition also includes such incongruous tasks as taking care of a 200-kg pig and her nine piglets. The camera zooms in to catch “tender moments,” when celebrities like Mariel Rodriguez and Ethel Booba are cooing the piglets on their chest.

In previous PBB episodes, housemates were tasked to shave their eyebrows, paint their bodies or pull out all their bodily hair to raise funds for a poor school or charity. The ABS-CBN management declares that these tasks inculcate the value of hard work, as though sheer forbearance can truly solve structural poverty. Yet, this assumes that the present conditions are ideal, where impediments to opportunities and employment are nonexistent.

Meanwhile, during elimination nights, PBB hosts enjoin the audience to save their “favorite housemate” by texting as many votes as they can. And as the host plays up the audience’s participation, the program earns millions from the text votes. In this context, the spectators are both commodified and expropriated.

Hard luck

At 6 p.m., the end of PBB ushers the start of Deal or No Deal, one of the most popular game shows today. The entrance of 26 women clad in figure-hugging dresses signals the onset of the game. A video flashes onscreen, and the face of the contestant appears. “Sumali ako sa Deal or No Deal para makatulong sa pamilya ko” (I joined Deal or No Deal to help my family), is the usual reason for playing on the show. People have come to look at game shows not merely as entertainment but as a form of public service, albeit from powerful media corporations.

As thousands of OFWs (overseas Filipino workers) are deployed everyday, thousands more are jobless and willing to gamble their way to game shows if only to relieve their financial debacle. The contestant fervently screams “Lower! Lower!” The opened suitcase reveals a two-digit number, and host Kris Aquino giddily exclaims “Maswerte ka!” (You’re lucky!) as though the contestants’ troubles can be eliminated in a game of fortune.

Exclamations of luck, however, serve only to mystify various accumulated capitals, such as educational background, financial capacity, and social connections. This prevents the critical analysis of structural problems. For while the poor are led to believe in the randomness of miracles, capitalist institutions have systematically sequestered the nation’s wealth.

The extension of value production from the material to the visual realm marks the manipulation
of the nation’s fantasies and desires through media. While PBB and Deal or No Deal may provide
entertainment, the tacit agenda remains the coordination of national perception according to
the dictates of capitalism.


Beller, Jonathan (2006). Acquiring Eyes. Ateneo de Manila University Press, QC.
Raymundo, Sarah. “Wowowee Tragedy: Hardly A Bolt from the Blue.” Accessed November 9, 2007.

Selling the drama
By Glenn L. Diaz

Everybody knows how it ends. The tall, rugged haciendero defies his mother’s wishes, forsakes his family’s riches, and elopes with the fair but poor helper. The twins, separated at birth, reunite in a finale as grandiose as Ruffa and Yilmaz’s 2003 wedding. Three sisters, also separated in an accident, find each other and clash in a showdown so teary, so sprightly, it made all of them forget all the slapping they did over the course of two months.

Either the Filipino viewing audience has become so monumentally bored or else so brazenly frivolous that they’ve allowed such otherwise horribly predictable shows to rule the ratings year in and year out. The teleserye, the term officially coming into popular usage in 2000 with the release of Pangako sa ‘ Yo, was so well-received it pushed the late night news programs to even later time slots. Its predecessor, the soap operas, were usually shown during the afternoon, like the iconic Mara Clara, which made being switched at birth seem like a valid fear.

The teleserye traces its thematic roots to the metrical romance of primarily Spanish lineage during the 18th and 19th century. The genre arrived in Philippine soil and evolved from being mostly religious avowals to utter and at times excessive sentimentality. It relied on a voice that is constantly in pain and grief like the biblical Moses.

Take, for instance, Florante at Laura. Along with being a scathing social commentary couched in the story of two lovers separated by powerful forces, the awit typified such anguished voice and brought melodrama to the fore. Florante, the suffering lover, has assumed many forms, and over the years the role shifted genders to reflect the prevalent view of women as weak and perpetually in distress and in need of rescuing.

Indeed, the teleserye plays with social classes. A girl who grows up selling sampaguita garlands on the highway would miraculously turn out to be the missing daughter of a millionaire. In the same way, a girl born and raised with a silver spoon would find herself poor and neck deep in debt in a matter of one episode, like the protagonist Sarah Crewe in Princess Sarah, the most recent addition to this remake craze.

In the artificial world of the teleserye, fate plays with characters through a series of convenient coincidences that make up most of its plot. Moreover, it banks on the improbable malleability of social classes and make it seem like the most normal thing in the world.

Of course, Sarah would be saved, redeemed in the end, she’d be princess again, reunited with her pony with the pink mane, and we’d all be glad that we were with her all throughout. Given the Filipinos’ love of drama, of tear-jerking scenes, of glorification of suffering (not the least due to the Catholic notion that deems it righteous), the teleserye is not a shocking hit. The storylines are predictable (rise-fall-rise again), the characters, one-dimensional (hero-villain), it is simple and grudgingly formulaic. The teleserye fails to exceed the imagination but never fails to meet expectations. It creates a trap of fantastic possibilities and portrays it in stunning normality.

Not only that; according to literary critic Northrop Frye, the moralist mechanism of the melodrama that reinforces society’s dominant values, a seemingly harmless bent, also renders it a possible propaganda for the police state. The Pinoy teleserye is safe, clichéd, and, so long as we’re poor, here to stay.


Frye, Northrop (1957). Anatomy of Criticism. Princeton University Press, Princeton, New Jersey.

Fantasy production
Alien invasion at ang iba pang pantasya sa telebisyon
Ni John Francis Losaria

Nakaabang na naman ang mga bata at nakasilip sa bintana ng kanilang kapitbahay. Pagpatak ng primetime, magbababaan na sa TV set ng kapitbahay at ng marami pang kabahayang Pilipino ang paborito nilang mga alien o ‘di kaya’y ang mga kalahating tao’t kalahating metal nilang idolo.

Si Kokey, si Lastikman, si Fantastic Man at ang mga pulis pangkalawakang Zaido-sila ang mga
pinakabagong tanghal na mga bida sa larangan ngayon ng pantaserye sa telebisyon.


Bago pa man ipakilala noong 2004 sa primetime TV ng dalawang dominanteng networks ang mga katagang fantaserye at telefantasya, may ilan nang mga regular na programa sa telebisyon ang gumamit ng malaking sangkap ng pantasya. Ilan sa mga ito ang Okay Ka Fairy Ko at Pintados. Matapos ang marami-rami ring taon, nagbalik-telebisyon ang pantasya sa pamamagitan ng Marina at Mulawin.

Mula sa pagsisid at pag-ahon ni Marina at sa pagpagaspas ng mga pakpak ng mga Mulawin, sunod-sunod pang nagsulputan ang iba’t ibang katulad na serye sa telebisyon, gayundin ang pagpapakilala sa iba’t ibang uri ng nilalang na sangkot sa mga kuwento nito. Pawang mga drama, bakbakan, at komedyang itinimpla sa pantasya na nagbibigay umano sa mga manonood ng pansamantalang pagkalimot sa masaklap nilang realidad.


Katulad ng eskapismo ng Pilipinong manonood, mga ilusyon ng pagkasalba at kaligtasan ang tampok na elemento sa mga pinakahuling pantaseryeng ngayon.

Sa makailang panahon nang pagpapalit-palit ng mga pantaserye sa TV, nahulma sa mga ito ang mga tauhang maituturing na superhero o nagtataglay ng katangiang mala-superhero. Mapa-family-oriented man, drama, katatawanan, o action, nakikilala ng mga manonood sa mga programang ito ang isang katauhang nagtatanggol sa mga tao laban sa masasamang loob o sa mga mapang-api.

Malapit ang panlasa ng Pilipino sa ganitong uri ng entertainment. At sa simpleng pagkakalahad ng mga kuwento ng mga programang ito, madaling maihalintulad ng mamamayan ang kanilang sarili sa karanasan ng iba pang tauhang maaaring pinagsasamantalahan sa palabas.


Sa kasalukuyang estado ng Pilipinas kung saan di maipagkakaila na malala ang kalagayan ng mamamayan, nakatatawang isipin na ang mga pantaserye ang isa sa mga isinasambulat ng popular na kultura sa midya.

Ang pagkakalikha ng mga pantaserye ay pagtugon o pagpapanatili ng midya sa ganitong eskapismo ng mga Pilipino. Sa kalaunan, naging instrumento ang ganitong entertainment upang itanim sa kamalayan ng mga Pilipino na ang pagbibigay-katuparan sa kanilang pagkakasalba at ang kaayusan sa lipunan ay mito at kathang-isip na lamang.

Matatapos ang pansamantalang pantasya sa pagtatapos ng primetime. Magbabalik sa realidad ng buhay ang Pilipinong manonood at aasa na naman sa pagsubaybay niyang muli sa telebisyon kinabukasan.

*pasintabi kay Neferti Tadiar

Posted by Bulatlat

Share This Post