Mga Drayber ng Pedicab at Kuliglig sa Maynila, Tutol sa Phase-out

BALITA
7 Nobyembre 2010

Kasama ang Bayan Muna, muling nagnoise-barrage ngayong hapon sa may Bustillos sa Sampaloc, Manila ang mga isandaang kuliglig at pedicab drivers na bumabyahe sa Sampaloc at Espana area upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa planong pagphase-out sa kanila sa Maynila.

Ang nasabing plano ay sa bisa ng Executive Order No. 16 ni Manila Mayor Alfredo Lim, na nagbabawal ng paggamit ng kuliglig sa mga kalsada sa Maynila, simula Disyembre ng taong ito.

Mariing tinututulan ito ng mga pedicab drivers at operators dahil nangangahulugan diumano ito ng pagkawala ng kabuhayan ng maraming drayber sa Maynila.

Disclaimer | What you are reading is either a press release/ statement or a manifesto. These materials do not go through our editorial process and do not reflect our policy or position.

Ayon kay Fernando Picorro, isang pedicab drayber at tagapagsalita ng kabuuong Alyansa ng Nagkakaisang Kuliglig at Pedicab Drivers sa Sampaloc, daan-daang draybers at pamilya nila ang mawawalan ng ikabubuhay kapag tinanggal ang mga kuliglig at pedicab sa kalsada ng Maynila.

“Kahirapan ang nagtulak sa amin para disenteng maghanap-buhay. Bakit nila ipagkakait ang karapatang magkaroon ng kabuhayan sa amin?” ani Picorro.

Dagdag pa niya, nananatiling isang alternatibo at murang moda ng transportasyon sa mga kalyeng looban sa Kamaynilaan ang pedicab at kuliglig.

“Matagal na naming hinihiling sa lokal na gobyerno na mabigyan kami ng permit at sumailalim sa proseso ng registration. Hindi ito dinidinig ng lokal na gobyerno ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Lim. Handa kami na pasinungalingan ang sinasabing polusyon at trapik na nililikha ng pagbyahe namin ng aming mga pedicab at kuliglig, humarap lamang ang lokal na gobyerno sa konsultasyon at dayalogo sa amin,” ani pa ni
Picorro.

Ang naganap na noise barrage at piket ng mga pedicab at kuliglig drivers ay ang ikaapat sa serye ng mga protestang inilunsad nila para tutulan ang nasabing plano ng city mayor.

For Reference: Fernando Picorro, Spokesperson
Alyansa ng Nagkakaisang Kuliglig at Pedicab
Driver – Sampaloc, Manila

Share This Post