Ginamit ang Batas Militar ng diktaduryang Ferdinand Marcos Sr. upang supilin ang katotohanan at subukang patahimikin ang mga tagapag-ulat nito. Makalipas ang 50 taon, nagbago man ng anyo, ay ganito pa rin ang kalagayan.
Ngayong Araw ng Kagitingan, panoorin natin ang pagbabalik tanaw ng mamamahayag na si Ceres Doyo sa kanyang mga naging karanasan bilang isang mamamahayag noong panahon ng Batas Militar.