By Fr. Edprim Gaza, CM
Genesis18:1-10a
Psalm 15:2-3, 3-4, 5
Colossians 1:24-28
Luke 10:38-42
Ang nanay ko basta may bisita kami, parating abala sa kung ano ang ipapakain. Kaya parati ito ang tanong niya sa akin pag sinabi kong uuwi ako: ‘May kasama ka ba?’ kasi ang sunod n’yang itatanong ‘Anong ipapakain natin?’
Ang pagtanggap sa panauhin ay sadyang nakakabagabag kundi man nakakaligalig. Subalit pinapapaalala sa atin ng linggong ito ang dalawang bagay sa pakikipag -ugnayan natin kay Hesus. Una, hindi natin siya panauhin para maligalig tayo, ikalawa, siya ang ating pagkaing nagbibigay buhay.
Tuwing linggo noong mga bata pa kami, bihira ang tatay ko pumasok sa simbahan. Kaya pagkatapos naming mag simba alam namin na nahanda na nya ang masarap na tangahalian. Paborito ko na parating nyang niluluto yung kandingga (maanghang na atay at puso ng baboy na tinadtad, medyo maasim-asim parang bopis) na may partner na hipon at alimasag. Sabay may malamig na softdrinks na nag aampat ng kanyang dugo pag pinag uusapan ang mga tao sa simbahan. Kung may paborito akong ulam, paborito nyang pag usapan ang mga tsimosa sa simbahan na tingin nya ay mga hipokrita, dahil hindi naman daw isinasabuhay ang aral ni Hesus.
Maliban siguro sa salungat ang pananalig sa pagkilos, minsan ang tingin parati natin sa Diyos ay malayo at parating nasa labas ng ating buhay. Marahil ang ebanghelyo sa ngayon ay nag aanyayang tingnan na si Hesus ay sumasaatin. May kailangan pa bang ligalig kung kumpyansa tayo na siya ay sumasaatin.
Ang ligalig ay ibinubunga ng pananalig na sumasaatin si Hesus kung wala tayong gagawin sa mga nakakabagag sa ating paligid. Dahil alam natin na kung Hesus ay nasa ating susundan natin ang kanyang ginawa; ang magpakain sa mga nagugutom.
Natatandaan ko pa, pag nagluluto sila mama at papa ng ulam, parating may pahatid sa aming mga kapitbahay. Tapos pag ibabalik na ang nilagyan ng pagkain hindi huhugasan ng binigyan namin ng ulam, kasi naniniwala silang pagmalinis na ibinalik, di na makakaulit. Minsan iniisip ko parang may mali. Pero sa kabilang banda siguro ito rin ay pagpapakita ng kalagayang mahirap ang tubig sa amin, kung tutulong lang naman ay lubos-lubusin na.
Kung naniniwala tayong si Hesus ang pagkain nag bibigay buhay, hindi ba ito rin ang ipinagagawa sa atin. Ang mag alay ng sarili tulad ng pag alay nya ng kanyang buhay. Na ang tunay na pagpapakita ng diwa ng pagiging mag kaibigay ay ialay ang sarili, dahil ang nag hahangad nito ay mawawalan nito.
Malaking tukso na tayong mga sumusunod kay Hesus ay parating tingin natin sa kanya ay bisitang darating, na kailangan maging abala tayo kung dadalaw sya sa ating mga tahanan. Pero, hindi ba, kung sumasaatin sya, lalu na, sya ay parati nating tinatanggap sa pagdiriwang ng eukaristiya, di ba dapat nakikita sya ating pamumuhay lalung lalo na ang pag-aalay natin ng ating sarili sa nangangailangan?
Balik-Tanaw is a group blog of Promotion of Church People’s Response. The Lectionary Gospel reflection is an invitation for meditation, contemplation, and action. As we nurture our faith by committing ourselves to journey with the people, we also wish to nourish the perspective coming from the point of view of hope and struggle of the people. It is our constant longing that even as crisis intensifies, the faithful will continue to strengthen their commitment to love God and our neighbor by being one with the people in their dreams and aspirations. The Title of the Lectionary Reflection would be Balik –Tanaw , isang PAGNINILAY . It is about looking back (balik) or revisiting the narratives and stories from the Biblical text and seeing, reading, and reflecting on these with the current context (tanaw).








0 Comments