Tags: filipino poems

Ni Glenn Ford B. Tolentino Bulatlat.com Niyayanig ng tigatig itong aming pananalig Pagkaraan ng orasyon-ritwal ng lumang kahapon, Ngayo’y pinaghihiwalay ng Langit; ang lupa’t tubig. Pumusyaw ang dasal-alay sa dambana ng alawig Nang mangabasag ang santo sa templo ng Panginoon, Niyayanig ng tigatig itong aming pananalig. Pagkat mga puso’y karbong nangitim sa halumigmig Ng romansa…