Mga Dalit sa Inang Gloriang Maluwalhati

1.
Ay Ina ka ng Pasakit
Ang totoo’y ‘wag ipagkait
Sa mga anak mong sabik
Sa katarungang nawaglit

2.
Ina kang laging saklolo
Sa asawa at anak mo
Inaglahi’t inabuso
Inagaw mo ang totoo

3.
O, Ina, Ina ka namin
O, Ina kang madasalin
Katotohana’y ‘nilihim
Bukod kang walang inamin

4.
Ang batang di-sinungaling
Pagpapala ang kakamtin
Kaysa Inang madasalin
Sa pagbubulaa’y haling!

(Bulatlat.com)

Si Axel Pinpin ay kabilang sa tinaguriang “Tagaytay 5” – kasama nina Riel Custodio, Aristides Sarmiento, Enrico Ybañez, at Michael Masayes – na dinukot ng mga pulis at militar noong Abril 28, 2006 sa Tagaytay City, pinaratangang mga “rebeldeng komunista” at ngayo’y mahigit sa isang taon nang nakakulong sa Camp Vicente Lim ng Philippine National Police (PNP). Naging fellow siya para sa tula ng UP National Writers Workshop noong 1999.

Share This Post