GMA Resign Now

Ni Raul Funilas

Posted by Bulatlat
Bulatlat.com

Gabundok na basurahan at gusaling G

Langaw at bulok ang nakatirang animal. L

Oo, iyan ang palasyong andas na nakaupo O

Raw ay mga ekspertong magpaandar. R

Isinantabi ang isinisigaw ng marami I

At sempre, lahat ng perahan ay kanila; A

May jueteng, may Pidal at alam na alam M.

Ang iluluklok sa pwesto; (syempre kabarkada.) A

Ragasa na ang nagdurusa at nagsisintir, R

Resign! Resign! Resign! (Hindi talaga maasar.) R

Oy, malditang reyna ng lahing unano, O

Yari ka! Ano talagang gusto mo, pilay Y

O palitan ka na lang ni Noling bobo? O

Resign na ate Glo, kahit lumuhod ka sa altar R

E hindi na magbabago ang lahat ng militante; E

Sulasok na sulasok na at tumatangis S

Itong uring maralitang animo’y pulubi I

Gayung may demokrasya kang buyangyang. G

Ngayon na ang panahon para ka magresign! N

Ngayon mo ipakilalang nandaya ka sa halalan, N

Obligado kang humingi ng I’m sorry, pero O

W
alang naniniwala sa ‘yo. Kaya Resign Now. W

Hulyo 10, 2005

Tayabas, Quezon Province

Posted by Bulatlat
Bulatlat.com

Share This Post