Sa Unang Limang Oras ng Pagdinig sa Di-matapus-tapos na Tagisan ng Argumento sa Pagitan ng mga Numero at Alpabeto tungkol sa Kung Maaari Nga Ba na Bigkasing O(OW) ang 0(Zero)

19 hours 26 minutes and 40 seconds shall be
wasted by saying it ZERO instead of OW”

(Lalakad siya) (dahan-dahan)
“LABING SIYAM NA ORAS” (mabagal ang bigkas)
(ililibot ang tingin sa plenaryo)
(mapapatango ang ilang deputado mula sa kampo ng mga numero)(mapapatango rin ang punong hukom)

“SADYANG MARAMING PANAHON IYON!” (sa pagkakataong ito’y madiin)
(mapapatangong muli ang mga kakampi)

“maaaring makapanood ka na ng sampung pelikula
makalikha ng limang tula, dalawang kanta, isang maikling
kuwento tungkol sa alamat ng sibuyas,
makalantak ng kalahating kilong tsokolate
habang nag-iimagine na ika’y hari o reyna, o sirena,
makakasiyam-na-pu’t limang French Kiss ka na rin
sa jowa mong laging nagmamadaling umuwi
SA LOOB NG LABINSIYAM NA ORAS”
(palakas nang palakas ang tinig dito)
(parang tikatik ang palakpakan sa bulwagan)

“your honor, he is being irrelevant”
(tumindig muli ang tagapagtanggol ng mga alpabeto)

“and you are being obstinate”
(tugon ng hukom sabay pukpok)
“continue!”

“thank you your honor”
(itutuloy niya ang salaysay)

(matinis at papahina)
ilang parol din na yari sa straw ang matatapos mo within
such allotted time, mapag-iisipan mo pa nang husto ang number
combination ng pangarap mong jackpot sa lotto(mapapahiyaw ng WOW!
ang mga audience mula sa panig ng mga numero)
(order! Isisigaw ng hukom. Maglalabas ng menu ang isang waiter mula sa likod ng stenographer)
at makakagawa ka pa ng listahan ng mga babalatuhan
kung saka-sakaling palarin ka’t tumama (huhupa ang ingay)
at makakagawa ka pa ulit ng listahan ng mga babatiin sa iyong acceptance speech dahil may kakayahan ka nang bilihin ang kredibilidad ng mga
judges sa isang literary contest na itatago natin sa pangalang “Palanca Awards”
(ang audience naman mula sa kampo ng mga alpabeto ay mapapahiyaw ng BOO!)
(order! Isisigaw muli ng nanggagalaiting hukom. Maglalabas muli ng menu ang isang waiter mula sa likod ng abalang stenographer)

(kukunin ito ng hukom, may ituturo siya mula sa inilabas na menu)(iiling ang waiter)

(magsasalita pa nang may ilang oras ang abugado ng mga numero) (aabot siya hanggang exhibit 12)(na-contempt of court ang abugado para sa mga titik) (nag-alburoto ang ilan sa mga audience) (nagkalat ang kamatis sa paligid)

hanggang sa…

“Our time is up, gentlemen!”
Bulyaw ng secretaryo
(kakamot sa ulo) (hindi siya sigurado)

“Adjourned”
segunda ng hukom
(may iniligpit na ilang papeles, tumayo at lumiban nang walang paalam)

(napakabilis ng mga pangyayari, simbilis ng paghagibis palabas ng judge)

“OW my Goodness! I am not yet thru! This is unfair!”
(Pailing-iling na babalik ang abugado ng mga numero sa kaniyang upuan)
(sumesenyas ng thumbs-up ang ilan sa kanyang mga kompanyeros)
(Subalit kunwa’y hindi niya ikinasiya ang kinahinatnan ng ilang oras na pagngakngak)

“Katarungan! Katarungan! Katarungan!”

(humahabol ng pagtutol ang nabalewalang koponan)
(nauna nang naglabasan ang mga nagdiriwang na bilang)

“Katarungan! Katarungan! Katarungan!” (dadaluyong ng mga panunumbat at pagbabanta sa buong paligid)

(papasok sa eksena ang isang ‘di kilalang makatang itatago natin sa pangalang Lolito Go)(hawak niya ang isang mikropono, tila si Mike Enriquez ang diin at tono ng kanyang pagsasalita)(Walang makikinig sa kanya) (Madrama ang mga sumunod na tagpo) (Nangingilid ang kanyang mga luha) (Mapapanood siya sa isang live telecast sa ibang planetang itatago natin sa pangalang Mars)

“Mabuti pa ang mga numero, sila’y nakapagpahayag
Hindi tulad ng mga alpabetong naturinang mga letra
Sa bisa ng kapagyarihang mayorya
Ay hindi pinagbigyang makapangusap

May baluti ng istatistiko

ang kalabang mapanlapastangan

inaangkin ang lahat ng karapatan

nagdidikta ng sariling bigkas

Sa pagkakatong ito’y
Nanaig ang mga bilang
Subalit hindi pa natatapos ang laban
May hukumang naghihintay sa lansangan”

(Tuluyan siyang mapapaiyak) (May dadapong paru-paro sa kanyang balikat)

Posted by (Bulatlat.com)

Share This Post