Awit ng Proletaryo

NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat.com

I
Antigong prinsipyo’y di kayang igupo
Minanang katulad sa lantay na ginto
Nagbuwis nang buhay tumagas ay dugo
Sa manghihimagsik na aming ninuno

II
Kaming proletaryo’y hahawak ng armas
Ang pakikibaka’y tiyak sasambulat
Sa nayon at lungsod ng aping mahirap
Na di nangag-kamit ng tunay na batas

III
Hukbong bayan lumalaban
Hukbong bayan matatapang
Iwagayway ang kat’wiran
Iwagayway ang tagumpay

IV
Bandila ng katapangan
Bawat punglong pawawala’y
Bayani ng madlang bayan

Sa paanang Bundok Apo
Kidapawan, Kotabato
Setyembre 26, 2003
1:45 ng umaga

Share This Post