Kay Remia Bonayon na nag-aantay sa kapatid niyang nasa Lebanon
NI AXEL PINPIN
Bulatlat.com
Kung ako ay may madyik?
Pumarada na sana ang Baliwag Transit
At Victory Lines
Sa Borders
Ng Amman.
Disin sana’y di naliligaw
Sa gubat papuntang Jordan
Si Ate Rina.
Disin sana’y ligtas
Bumibyahe
Si Ate.
Pabalik sa reyalidad
Na walang oportunidad
Na naghihintay sa kanya
Dito
Sa Iloilo.
Base Police Detention Cell
Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna
Inilathala ng Bulatlat








0 Comments