a
Diyarista
Published on Nov 4, 2006
Last Updated on Feb 5, 2011 at 9:01 am

ADVERTISEMENT

NI NOEL SALES BARCELONA
Bulatlat.com

Ayaw ka nilang magsuri

Kaya

ikinahon nila

sa kabalintunaan ang reyalidad mo,

Inembalsamo nila

ang iyong talino.

Ayaw ka nilang makadama

Kaya

iwinangis ka nila

kina Adonis at Narsiso.

Ayaw ka nilang mag-isip

Kaya

pinaniwala ka

sa daigdig ng engkantado.

Nang mamulat ka naman

at umayaw kay Narsiso

at sa ideya ng mito:

Binulag ka nila sa kalansing ng piso.

Nang ayaw nang paalipin

Sa ilang butil ng kanin

Sinimulang ibunyag

ang kanilang mga lihim.

Sa dibdib—

Inipon ang tapang.

Ang puso—

Inihanda sa paglaban.

Di ka nagpapigil.

Subalit, dahil nga ayaw ka nilang magsalita nang totoo

Pinutol nila ang

Maigsi nang hininga

Mo.

Setyembre 01, 2006

Lungsod Quezon

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This