NI AXEL PINPIN
Inilathala ng Bulatlat.com
Kung:
Kakambal niya ang puyat at panaginip
bihasa s’ya sapag-aalinlangan at pagkakahimbing
Sumisigla at pangahas ang kanyang kabataan
nag-aanyaya ng pagkalunod ang kanyang lalim
Matiyaga siyang magbantay sa magnanakaw
matatag siyang pumusta sa lamay
Kumakalam ang kaibuturan n’ya sa pagbalikwas
nakakabalisa ang haba ng kanyang pagbabanta
Naaalimpungatan ang kanyang lamlam sa takot
alumpihit ang kanyang alinsangan sa paghihikab
Kung:
Nag-iinat ang kanyang taib sa pagbangon.
Agosto 2006
Inilathala ng (Bulatlat.com)








0 Comments