Christmas Party

NI MARK ANGELES
Inilathala ng Bulatlat.com

Nanalo si Tatay ng oven toaster sa pa-raffle.
Pag-uwi, ginising niya kami ni Obet
na bumangon, matang-manok, sa folding bed.
Sa lamesa, sa tabi ng isang nakaplastik na pansit,
nakaupo ang bago naming toaster,
nangingislap kay nanay na nananalamin.

May nanalo ng TV at electric fan, sabi ni Tatay.

Sana nakuha mo na lang ang washing machine,
panghihinayang ni Nanay, na tinimbang ang premyo
sa mga kamay niyang magagaspang.

Inilathala ng (Bulatlat.com)

Share This Post