Trivia ‘bout Diff’rent Universities, Colleges in RP (Walang Pikunan. Joke Joke Joke Lang!)

NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat.com

Mahirap Lahat

Sa UP, mahirap ang Math.
Sa Ateneo, mahirap ang English.
Sa La Salle, mahirap ang parking.
Sa Assumption, mahirap ang walang pera.
Sa UST, mahirap umuwi kapag baha.
Sa St. Scho, mahirap sumakay sa LRT.
Sa San Beda, mahirap maging lalaki.
Sa bayan, mahirap ang buhay.

Where To Go To College?
If you have a lot of brains and a little money, go to UP.
If you have some brains and some money, go to Ateneo.
If you have no brains and lots of money, go to La Salle.
Pero kapag nagtaas na sa komersyal na antas ang matrikula sa UP, kahit may utak ka kung wala kang pera, wala ka nang mapupuntahan.

Christmas Spirit
A few days before Christmas, the Monsignor thought it would be a good idea if he solicited the support of a number of the Catholic schools to get together to create a Nativity Scene in time for the Christmas Mass. The day before Christmas, the Monsignor discovered that the Nativity Scene was still incomplete so he made a few inquiries on why this was.

So Ateneo reported it would come up with only two and not three wise men. La Salle reported it couldn’t come up with even a single wise man. Maryknoll reported it couldn’t come up with a single virgin. San Beda reported that it could only come up with three wise gays. UP reported that they killed the three wise men.

Kung si GMA ang tatanungin, nabili na niya ang tatlong hari para hindi siya i-impeach. Kung militar, ay! tignan na lamang ang kulang sa 800 na politikal na pinaslang.

At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko, tayo ay magbigayan.

Pasikatan ng Gradweyts

UP: A number of past Philippine presidents graduated from UP. Presidents Roxas, Quirino, Laurel, Garcia and Marcos, to name just a few!
Ateneo: Hah! That’s nothing, a number of Ateneo graduates became national heroes like Jose Rizal, Gen. Gregorio del Pilar, Gen. Antonio Luna, Evelio Javier and many others.
UP: That just goes to show you, UP graduates become presidents and lead countries while Ateneans end up getting shot!
La Salle: Wala ‘yan. Talo kayo sa mga gradweyt namin!
UP & Ateneo: Bakit, sino ba mga graduates ninyo?
La Salle: Aba! Marami kaming sikat na gradweyts: si Gary Valenciano, Dingdong Avanzado, Ogie Alcasid, Monsour del Rosario…
Paaralan ng Lansangan: Edgar Jopson, Emmanuel Lacaba, Lean Alejandro, Karen Empeño…. (idagdag ang iba pang pangalan).

How To Identify A La Sallite

Pumasok sa isang tindahan sa Megamall ang isang La Sallite at nagsabi, “Miss, pabili nga ng green parrot, please.” Tumingin sa kanya ang saleslady at nagtanong, “Sir, taga-La Salle ba kayo?”

“O, bakit mo naman natanong ‘yan? Kung umorder ba ako ng blue cheese ay taga Ateneo na ako? I don’t think so. Kung ako ba ay bumili ng maroon na t-shirt, ibig bang sabihin noon ay taga-UP na ako? I think not. Kung nagtanong ba ako ng red dawn ay taga-Paaralan na Lansangan na ako? Me thinks not. Kaya bakit mo ako tinatanong kapag bumibili ako ng green parrot kung taga-La Salle ako?”
“E sir,” sagot ng saleslady, “flower shop kasi ito.”

Paano Mo Alam Kapag Nakita Mo?

Sa isang malaking party ng Philippine Society of Colleges and Universities, and Pangulo ng Board ay nagtaka kung ano ang mga partikular na eskuwelahan ang dumalo sa malaking selebrasyon. Kaya nagtsek siya sa pinagaganap na bahay, at hulaan ninyo kung ano ang nakita niya at kung saan niya nakita ang mga ito?

UP Diliman – ang lahat ay nakapila sa hanay sa attic para magkaroon ng fraternity ritual
UP Los Baños – nasa hardin at naggugupit ng damo
UP Manila – lahat ay “naka-droga”
Ateneo – nasa loob sila ng TV room na may mikropono at nagtsa-chant ng “Blue Eagle” spelling
La Salle – nag-uusyoso sila
San Beda – ang iba ay katabi ng Ateneans, ang iba ay katabi ng Paulinians
St. Paul – akala nila ay ang katabi nila ay taga-Ateneo
La Consolacion – gusto sana nilang maging Paulinians
Holy Spirit – gusto nila ang Paulinians
Mirriam – katabi sila ng kwarto ng Ateneans, tulad ng dati
Assumption – nasa loob sila ng banyo tatlong oras na simula nang dumating sila
St. Scholastica – sila ang nakapilang kasunod na gagamit ng banyo
CEU – ang iba ay naghuhugas ng pinggan, ang iba ay busy na naglalaba
St Louis – lahat sila ay nasa harapan ng air con
UE – hindi nila alam kung ano ang air conditioner
UST – nakakalat sila sa bahay
FEU – wala sila sa bahay
MLQU – ay! hindi sila imbitado.
San Sebastian – paano sila nakalusot sa mga gwardya?
Letran – sila ang mga gwardya
Mapua – busy sila sa pag-ayos ng tulo sa bubong
TIP – sila ang nambato sa bubong kaya tumutulo
NU – nasa labas sila ng bahay at nagbebenta ng sigarilyo
JRC – sila ang bumibili ng yosi
Adamson – nagpunta na lang sila sa Luneta
Sta. Isabel – sila ang mga date ng taga-Adamson
CRC – “para saan ba itong party na ito?”
PSBA – “ano ba ang CRC?”
NCBA – “ano ba ang NCBA?”
AMA – pinaparada nila ang Jolina posters
Paaralan ng Bayan – nagmi-meeting sila sa kabilang kwarto, nagplaplano ng rally.

A Murder Mystery (to be solved solely on the basis of pure logic)

Sino ang pumatay?

Mga pinagsususpetsahan:

The Humble Atenean

The Bright La Sallite

The Innocent Maryknoller

The Unaffected Assumptionista

Ang Aktibista sa Klase

The UP Graduate

Ang maysala: The UP Graduate

Ang lohika: Wala namang humble na Atenean, matalinong La Sallite, inosenteng Maryknoller, hindi naapektuhan na Assumptionista, at Aktibista sa loob ng klase. (Bulatlat.com)

Share This Post