Ang Human Security Act, Kalayaang Akademiko, at ang Tumitinding Terorismo ng Estado

(7) “Art. 3, Sec. 13. All persons, except those charged with offenses punishable by reclusion perpetua when evidence of guilt is strong, shall before conviction, be bailable by sufficient sureties, or be released on recognizance as may be provided by law. The right to bail shall not be impaired even when the privilege of the writ of habeas corpus is suspended.”

Nilalabag ito ng HSA Sec. 18-19 kung saan ang suspek ay pwedeng tuluy-tuloy na ikukulong, incommunicado.

Nilalabag din ng HSA Sec. 26 na restriksyon sa karapatang magbiyahe at bail ng suspek.

(8) “Art. 3, Sec. 18. No person shall be detained solely by reason of political beliefs and aspirations. ”

Nilalabag ito ng HSA Sec. 4 “ conspiracy to commit terrorism” na nasa isip pa lamang o pinag-uusapan ang masama ukol sa estado o awtoridad, sa pinalawak na depinisyon ng terorismo.

(9) “Art. 3, Sec. 19. Cruel, degrading or inhuman punishment shall not be inflicted.”

Nilalabag ng HSA Sec. 18-19, at 26 ito na ang suspek ay inaalisan ng karapatang bail, incommunicado, di makapag-biyahe at frozen ang kanyang bank account.

Nilalabag ng kaparusahang 40 taong pagkabilanggo ng HSA na walang baytang (degrees) ang krimen at parusa para sa pinalawak at lalong pinalabong depinisyon ng “terrorism”.

Kaya, inaasahan kong hindi mahihirapan ang Korte Suprema sa pagbasura sa represibong batas na ito at pagturing dito na kontra sa 1987 Saligang Batas.

Bilang pagtatapos, nais ko lamang bigyan diin na ang Konstitusyon ay simulain lamang na nakatitik. Ang tanging sandata nito na mangangalaga sa ating kalayaan at karapatan ay ang mulat na taumbayan na siyang magtatanggol sa sinisikil na kalayaan at karapatan.

Lahat tayo ay may pananagutan na kumilos, para sa kasalukuyan, at para sa hinaharap. Iniambag sa Bulatlat

Si Prof. Roland G. Simbulan ay Senior Fellow, Center for People’s Empowerment in Governance (CENPEG)
dating Faculty Regent, U.P. System (2006) at dating Vice Chancellor for Planning and Development, U.P. Manila (2002-2005). Ang aritkulo ay hango sa talumpating binigkas niya sa harap ng mga mag-aaral, guro at istap ng College of Social Work and Community Development(CSWCD), sa okasyon ng “Forum on the Human Security Act: Issues and Implications,” Bulwagang Tandang Sora, CSWCD, U.P. Diliman, Agosto 14, 2007.
(Bulatlat.com)

Share This Post