a
Puntod…Ayy! Nasaan Ka, Puntod?
Published on Sep 15, 2007
Last Updated on Feb 4, 2011 at 9:40 pm

ADVERTISEMENT

NI OLIVER CARLOS
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 32, September 16-22, 2007

Tumangis kayo
mga inang inagawan…
Kayo na nagluluksa
at naninikluhod…
na sana’y matabunan na lang ng lupa…
O bumuka ang langit
upang kayo’y higupin;
pailanlang sa kung saan…

Tumangis kayo
mga inang naghahangad…
na makatakas na lamang
sa walang katapusang pag-asam
na sana’y makabalik
ang nawala n’yong mahal sa buhay…

Tumangis kayo nang buong lakas
Hanggang ang luha’y masaid
at ang nakataas nyong mga palad
ay mangagtikom sa pagkapoot…

Tumangis kayo nang buong hapdi
sa bawa’t n’yong pagdalaw,
pagsamo at pagpalahaw
sa mga inaring libingan
na hindi inyo….

Namatayan kayo ng mahal sa buhay
subalit di nyo batid kung nasaan!
Sa aba ninyong ang mga isipan
ay walang pagkahingalay..
Tulad ng mga kaluluwang
hinahanap ninyo’t humihingi ng katarungan.

Mapoot kayo sa di-matingkalang sakit
sa gitna ng bangungot ng mga gabi…
Bakit ninyo tinatangisan
ang puntod ng kung sinong nilalang –

BIKTIMA RIN BA SILA NG PAGDUKOT AT PAGPATAY?

Inilathala ng Bulatlat

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This