NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 37, October 21-27, 2007
Pilipinas, nabunyag ang ’yong balangkas,
Tinalampas nitong hudas-mandurugas;
Umiiyak, nalalagas na ang pakpak
Di ba dapat tamang batas ay igawad?
Ay, bayan ko, saan ka na paroroon?
Lipos kaming nalulungkot sa mahugong
Na balitang usong-uso’ng panunuhol
Doon po sa Palasyo ng panginoon.








0 Comments