a
Published on Feb 23, 2008
Last Updated on May 5, 2009 at 2:11 pm

ADVERTISEMENT

O bakwet, kami po ay bakwet
Mula sa probinsya, kami ay umalis
Nagbakwet, kami ay umalis
Doon po sa amin, sundalo’y malupit

Sundalo’y walang galang, hindi yata nag-aral
Matanda at bata, sinasaktan, pinapatay
Hindi nila pakinggan ang aming katuwiran
Agad dadamputin at sinasaktan

O bayan ko, o bayan ko
Paano ang pag-aaral ko?
Napatigil, o bayan ko
Sundalo, kami ay ginugulo

Ang sabi po nila kami’y terorista
Pinagbibintangan, wala kaming alam
Kaming mga bata, kami’y nag aaral
Si tatay at nanay, nagbubukid lamang

Ang mga sundalo sa amin pong bayan
Sadyang walang galang, kami po’y sinasaktan
Agad dadamputin si tatay at nanay
Dadalhin sa kampo, gapos at sinasaktan

Inilathala ng Bulatlat

 Save as PDF

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This