Higanteng Doodles sa Commonwealth Highway

Walang brilliance ang doodles, at ang pagiging pasaway.  Kaya dapat ay mas malaking bigwas ang itaya ng mamamayan at kilusan para mabawasan, kundi man, mapatalsik ang pasaway na administrasyon.  Sa kaharian ng mga pasaway, kailangang maging mas malaking pasaway ang mamamayan.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat

Regular akong dumadaan sa kahabaan ng Commonwealth Highway.  Linggo-linggo ay mayroong bagong doodles sa kalsada.  Doodles ang tawag sa tila random na drawing ng mga young adult.  Kapag bored sa klase, at para tila attentive pa rin, magdo-doobles ang estudyante sa klase.

Kung ano-ano lang naman na imahen.  Hiwa-hiwalay na walang lohika.  Mayroong figures at mayroon din namang abstraktong objek.  At ganito ang hitsura ng Commonwealth Highway bilang showcase ng papoging Metro Manila Development Authority, sa pamumuno ng kapal-muks na si Bayani Fernando, forever wanna-be President ng bansang ito.

Makalampas ng Philcoa, bigla na lamang kinuha ang kalahati ng kalsada—apat na lanes—at inilaan para sa U-turn.  Ibig sabihin, kalahati lang ang lanes na nakalaan para sa pagdiretso sa kasagsagan ng Commonwealth Highway.  Hindi lang ito, bigla na lamang, pagkalagay ng u-turn mark sa bahagi ng highway, biglang inilipat ang u-turn slot.

At dito makikita kung kanino ang loyalty ng MMDA.  Hindi ito sa kumbinyente ng nagmamaneho at pasahero.  Ito ay para tiyak na makadaan sa pagpasok ng bagong strip mall, ang UP-Ayala Techno Hub.  Matapos masanay ng maraming biyahero, bigla na lamang silang pinausad pa para lamang matiyak ang pagliko sa mall!  Na kahit hindi liliko, tiyak na magkakaroon ng familiaridad sa bagong tayong mall.

Nitong linggo, bigla na lamang may manipis na dilaw na lane na ipininta sa highway.  Hindi ko alam ang ibig sabihin nito.  Tila minamarkahan ang paglalagay ng permanenteng struktura para sa pagtakda ng kaangkupan ng pagdiretso at pag-u-turn.  Pero who knows!  Maraming pagbabago ang wala namang kaakibat na motorists’ education.  Sino ang magtitiyagang manood sa MMDA channel?  Sino ang gustong maging drone sa informasyong tunay na pagpepedestal sa sariling accomplishments?

Makailan ulit na akong nakatunghay sa aksidente sa pag-akyat ng Commonwealth Flyover.  Bigla na lang kasi ang harang na konkreto.  Wala pang luminous signage.  Tila mga mumurahing sticker o pintura ang ginagamit para markahan nga itong bloke ng konkretong panghawan ng daan.

Share This Post

One Comment - Write a Comment

  1. ano yung doobles? hahaha

Comments are closed.