Ni PAPA OSMUBAL
Inilathala ng Bulatlat
(hango sa matandang kuwentong pambata “The Emperor’s New Clothes” at alay ko sa pamahalaang Gloria Arroyo at sa kanyang mga among dayuhan)
Malakas ang tawanan at usapan, nakakabingi,
lalo na ang kalansing ng mga alahas
na suot ng mga dumalong panauhin
na kung di lang nakasimangot ang iilan
masasabi mong walang sulirinin sa daigdig.
Malaki itong pagbubukas ng isang kumpanya.
Hair Health and Care Center daw
pinangangalandakan ng malaking karatula sa tapat.
Nakapila ang mga pangunahing panauhin.
Panay naka-kurbata at naka-Amerikana.
Nasa gitna nila ang may-ari ng kumpanya.
Nagsalita siya at nakangiting ipinangakong may pag-asa na
ang mga nalalagasan ng buhok at mga ganap nang kalbo.
Ang sagot ika niya ay ang kanyang kumpanya.
Ginupit niya ang pulang ribbon
at kumislap ang mga camera parang mga binging kidlat
sa gitna ng sumambulat na masigabong palakpakan.
Kinamayan siya’t pinuri ng mga dumalo
at niyakap siya ng mga pangunahing panauhin.
Bakit kaya wala ni isa sa kanila ang nagtataka
kung bakit kalbo itong mayamang may-ari ng kumpanya?
Pingback: Philippines news: In/Flash mob sa SM at kung bakit lehitimo itong protesta | Pinas.Net
mabuhay ang mga kalbo na nagbabalat kayo..
di kaya magkalbo lahat mga kostumer nila…hahhahah