Technical Glitches=Disenfranchisement

Press Statement
May 10, 2010

Ang mga katutubo Katribu Partylist ay naa-alarma sa ibat ibang report na aming natatanggap sa mula sa aming mga pollwatchers na tambak ng mga technical at procedural na mga problema.

Samut-saring report ang aming natanggap tulad ng hindi pag-gana ng mga PCOS machines sa ibat-ibang lugar tulad ng tondo, marikina at Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal atbp. Naging dahilan ang hindi paggana ng mga PCOS upang lalong tumagal ang proseso ng pagboto.

Gayon din nag-aala rin kami sa mga hindi pagsunod ng mga kasundaluhan natin sa patakaran na dumistansya sila ng 50 Metro mula sa mga presinto. Sa Brgy Kamias, Porac pampangan. Ang presensya ng mga sundalo malapit sa presinto ang nagiging dahilan ng pagkatakot ng mga katutubo na bumoto.

Disclaimer | What you are reading is either a press release/ statement or a manifesto. These materials do not go through our editorial process and do not reflect our policy or position.

Sa Brgy Abra de ilog, Mindoro occidental, naireport ng mga katutubo mangyan na ang mga binibigay sa kanilang mga official ballot ay pre-shaded na. Sa partylist section ng official ballot na ibinibigay ng mga BEI ay pre-shaded ang SAGIP Partylist. Umalma ang mga katutubo mangyan na subalit hindi sila pinapansin ng mg BEI.

Ito at ang ibat-ibang report ng aberya na natatanggap ng iba-ibang monitoring group ay manipestasyon lamang ng kakulangan ng preparasyon ng COMELEC para sa eleksyon na ito. Nangangamba kami ang kawalan ng kapasidad ng COMELEC ay magreresulta sa malaking bilang ng botante na hindi makakabo-boto.

Nanawagan kami sa COMELEC at SMARTMATIC-TIM na ayusin kaagad na mga problema ng sila rin mismo ang may gawa.

Reference:
Nelson Mallari
Sec-Gen. KATRIBU Partylist

Share This Post