Panawagan kay Noynoy: Ibasura ang QC-CBD Project

NEWS RELEASE
21 May 2010

Patuloy ang pag-init ng protesta ng mga residente ng North Triangle, Quezon City kaugnay sa kanilang pagtuligsa sa nakaambang demolisyon bunga ng proyektong QC-Central Business District (QC-CBD).

Ilang araw matapos ang pagsasagawa ng simbolikong barikada ng daan-daang residente sa tabing-North EDSA, ang buong kahabaan naman ng Agham Road ang tinayuan ng ‘human chain’ upang ipakita ang pagkakaisa at kahandaang lumaban ng mga residente — at ngayon ay may kasama pang mensahe para kay president apparent Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Isang higanteng yellow ribbon, kilala bilang simbolo ng kampanya ni Aquino, ang nilagdaan ng mga lider-komunidad sa pamumuno ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ng mga katagang ‘Ibasura ang QC-CBD!’ at iba pang panawagan, upang ipahatid sa mauupong Pangulo ang kahilingan ng libu-libong maralitang pamilya sa lugar.

Disclaimer | What you are reading is either a press release/ statement or a manifesto. These materials do not go through our editorial process and do not reflect our policy or position.

“Ito na ang ‘acid test’ kay G. Aquino kung tataliwas nga ba siya sa bulok na panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon. Kaya ba niyang manindigan para sa kapakanan ng mga gaya naming maliliit, laban sa malalaking negosyante at dayuhan na interesado sa proyektong ito?,” ani Carlito Badion, pangalawang pangulo ng Kadamay.

Dagdag niya, hindi lamang QC-CBD kundi may ilan pang ‘urban development projects’ ng administrasyong Arroyo, kagaya ng C-5 North Extension, National Government Center project, NorthRail at SouthRail, Port Modernization, at iba pa, ang kinakailangang balik-aralan ni Aquino kaugnay sa magiging epekto ng mga ito sa mga masasagasaang maralitang-lungsod.

Samantala, nangako naman ng “mas maiinit at malakihang protesta” ang pamunuan ng mga taga-North Triangle hangga’t nagpapatuloy ang bantang demolisyon sa kanilang mga kabahayan.

Ang QC-CBD ay naglalayong magtayo ng mala-Makati na business district sa lugar na inookupa ng North at East Triangles, na nagbabanta sa paninirahan ng humigit-kumulang 25,000 maralitang pamilya. Ito ay isang national government project ng administrasyong Arroyo at itinuturing na ‘legacy project’ ni outgoing city mayor Feliciano ‘Sonny’ Belmonte.

Reference
Carlito Badion, Vice Chair, Kadamay

Share This Post

3 Comments - Write a Comment

  1. They don’t know what they’re saying. That CBD is a way to increase foreign investors, provide more employment, etc that will benefit not just 25,000 families but the whole nation.

    The fact that they’re illegal settlers settle the case: they’re not supposed to be there.

  2. To Kanna Sawaguchi; Sa tingin mo ba ganun kasimple ang kondisyon ng mga maralitang naninirahan sa North Triangle. Alam mo ba kung gaanon karami ang maapektuhan kaysa sa makikinabang? Or should I ask kung alam mo ba ang buong detalye sa proyekto? Hindi ito solusyon bagkus magdudulot pa ito ng maraming problema at corruption.

    Hindi lamang mga taga North Triangle ang maapektuhan, maging ang mga government office gaya DAR at iba pang institution ay ililipat. Isipin mo na lang kung gaano karami ang mga empleyado ng gobyerno ang malamang na mawala ng trabaho dahil sa paglipat ng opisina sa probinsya.

    At malamang na hindi ka pa nakapunta sa Kasiglahan Montalban, doon yung relocation. Bahagi iyon ng fault Line. Kung ililipat lang sila sana naisip rin ng gobyerno na bigyan sila ng kabuhayan doon sa pagtatapunan sa kanila. Isipin mo ang mahal ng magiging pamasahe nila. mas gugustuhin pa nilang maging informal settlers uli kaysa magutom sa Montalban.

  3. agree ako sa CBD,papasukin foreign investors
    learn from China’s success and Dubai’s mistakes.almost 40 years ago welcome ng China foreign investors on conditions na Chinese people ang ihihire nila.then the Chinese learned their trade and know-how and look at them now.nagtiis mga Chinese sa maliit na sweldo,pero the gov’t. made sure na di magtataas presyo ng basic commodities,until now kahit gaano na kayaman China,kontrolado pa rin presyo ng bilihin.
    hindi agad na-aachieve improvement.tayo kase mga Pinoy gusto mabilis na solusyon sa problema.
    irelocate residents ng North sa isang decent place or let’s say human-friendly.
    imbestigahin kung ang budget ng isang Ministry ay napupunta sa dapat puntahan .create an investigation committee na hindi makukuha sa lagay or parepare maremare or etc.
    at kung maaari lang makipagcooperate na yung mga taong laging against anything.kung binoto nyo si Noynoy support him.
    mahilig po kase tayong magpatawa,ano ba yong Presidential election na yan,Erap vs. Noynoy,hello?at least nanalo lesser evil vs the moviestar fan mentality of the common people.
    wala nga po pala akong news nababasa tungkol oil natin sa Mindanao.ano na po nangyayari?

Comments are closed.