a
Dahil hindi bawal ang tanga
Published on Sep 30, 2011
Last Updated on Sep 30, 2011 at 2:21 pm

Ni RAYMUND B. VILLANUEVA
Bulatlat.com

http://www.winniecastelo.net/an-act-prescribing-a-universal-code-of-student-conduct-whereby-planking-by-a-student-or-group-of-students-during-street-rallies-or-similar-protest-actions-as-a-form-of-redress-of-grievance-be-strictl/

Kahit may nananamantala
Kahit pinagnanakawan ka
Kahit pinababayaan ka
Bawal ang magprotesta

Bawal ang magwelga
Bawal ang magmartsa
Bawal maging aktibista
Pati paghiga sa kalsada

Bawal magtaas ng kamao
Bawal sumigaw
Bawal ang pumalakpak
Huminga’t kumanta

Bawal ang umapela
Iti-tweet ka lang nila
At saka magpapanukala
Ng batas sa Kamara

Bawal ding magtaka
Sa Pilipinas, ganyan talaga
Maraming ipinagbabawal
Ang mga Kagalanggalang na tanga

20 Setyembre 2011
6:30 n.g.
Lungsod Quezon

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This