Kuyog

Ni MARK ANGELES
Bulatlat.com

Sandali. Bakit kailangang tayo pa
ang magtipid
para lang mamantikaan
ang kanilang mga bibig?

Meralco.

Ang liwanag ng
kulimbat.
Para tayong kinukuryente
sa bayag.

Kaya heto ang liham
ng pasasalamat:

Mahal kong Meralco, nakita mo
ang nangyari sa nahuling akyat-bahay?
Ganyan din ang aabutin mo
‘pag makuyog
ng taumbayan.

(https://www.bulatlat.com)

Share This Post