Sound Bites ni Nguynoy

Ni Mark Angeles
Bulatlat.com

Magtatayo ka ng wind; paano kung walang hangin? Kung solar, paano kung makulimlim? Kasalanan ko na naman. They are not only inaccurate, they are lies. May nagtanong ho kasi sa akin, sabi niya, ‘kamusta love life mo?’ Eh ang sabi ko po sa kanya, parang Coca Cola. Noong araw, ‘regular.’ Naging ‘light.’ Ngayon, ‘zero.’

Pero maliwanag sa akin, binola niya ako.

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. I am your commander-in-chief. Ako ang Ama ng Bayan, at 44 sa aking mga anak ang nasawi. I don’t attend wakes of people I do not know. Ano gusto nyo gawin ko, kunin natin ang fingerprint ng mga kalaban? Aba madami iyun, para malaman natin sino pumatay sa mga kamag-anak nyo. Namatay rin ang tatay ko, alam ko pakiramdam niyo kaya patas na rin tayo ngayon.

Makakaasa po kayo: Kahit na araw-araw akong bantaan ng kapahamakan o paulanan ng paninira, hindi ko tatalikuran ang pagkakataon na may maihatid na pagbabago. Naka-standby na rin po ang 32 na eroplano at helicopter ng ating Air Force. Nakapusisyon na po ang 20 barko mula sa ating Philippine Navy sa Cebu, Bicol, Cavite, at Zamboanga. Ang mga relief goods ay naka-preposition na rin sa karamihan ng mga apektado o maaaring maapektuhang lalawigan; sa mga hindi pa po naaabot dahil pinagbawalan nang pumalaot ang mga barko dahil sa peligro, umasa po kayong darating agad ang tulong paghupa ng bagyo.

Bahala na si Lord sa inyo, busy ako.

Kayo ba kapagkunwari itetext nyo friend nyo, ‘Kita tayo sa MOA,’ ganun lang ba kadali sa inyo na pumunta dun?

Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?

Ngayon, ano ho ang responsibilidad ko at this point in time? May kasabihan ho e: “Fool me once, shame on you; fool me twice, shame on me.” At wala akong balak na ma-‘fool me twice,’ kaya ho humanda ho lahat ng…

Magsilbi sana itong babala at paalala:

Sa lahat po ng nakikisanib sa atin sa paghahangad ng kapayapaan: Desidido kaming ituloy ang laban. At gusto ko rin naman pong sabihin sa mga humaharang sa ating adhikain, lalo na ang mga gumagamit ng dahas: Itaga ninyo sa bato, lalo pa ninyong madarama ang pinatalas at pinatinding lakas ng nagkakaisang sambayanang Pilipino. (https://www.bulatlat.com)

**Ang akdang ito ay isang cento poem. Sa akdang ito pinagsama-sama ang mga pahayag ni Noynoy Aquino para patunayan na ang mga hungkag na salita niya ay bumabalik din sa kanya.

Share This Post