Huwag Magpaliwanag

Pagkat ngayong gabi’y hindi kahapon pa,
Oras ng balikat ay hindi saka na.
Liban kahinaan bukas ang isip ko
Ang lambing ng hidwa sana lang pansin mo?

Pag tirik ng araw wag magpaliwanag
Anino’y tuntungan wag kang magpasikat,
Pag detalye ng b’wan wag kang magmagaling,
Sapat na ang sinag wag magpaumanhin.

Yakap sa paghiga ang walay ng agwat
At halik sa pisngi ang ayon sa dapat.
Ang lipunang ito ay maraming pataw
Usad pagbabago ang unday ng hataw.

Pag tirik ng araw wag magpaliwanag
Anino’y tuntungan wag kang magpasikat,
Pag detalye ng b’wan wag kang magmagaling,
Sapat na ang sinag wag magpaumanhin.

Pag tirik ng araw wag magpaliwanag
Anino’y tuntungan wag kang magpasikat,
May wika ang buwan wag kang magmagaling
May tibok ang sinag wag magpaumanhin.

Ni Abet Umil
(https://www.bulatlat.com)

Share This Post