Christmas lights

Ni JAY-VEE MARASIGAN PANGAN

Nobyembre.

Nabali ang ilang tubó
Matapos madiligan ng mga bala
Natumba kasama ng iyong katawan
Katabi ang ilan pa
Ang lupang pinatamis ng pawis at dugo
Ngayon ay mga kandila na ang nakatanim
Maligayang Pasko

Sana, mahal (https://www.bulatlat.com)

Alay sa mga minasaker na magsasaka sa Hacienda Luisita

Share This Post