Kung ikaw ay iibig, piliin mo ang aktibista

Ni ORLY MARCELLANA

kung ikay iibig, piliin mo ang aktibista
romantiko na’y, nakikibaka pa.
magiging kaagapay mo sa pighati at pagdurusa
natatanging pagmamahal ay iyong madarama

hindi man ka gwapuhan ay matamis naman ang dila
kung susuyuin kay daig pa ang isang makata
ipadama sayo ang wagas na pagsinta
pagkat ikaw ang buhay at kasama sa pakikibaka

ikaw ang inspirasyon sa kanyang mga gawain
magkalayo man ay pilit paring aabutin
handa kang unawain at maghihintay sa iyong pagdating
pagkat ang aktibista’y sadyang maunawain

ihaharap ka niya sa pulang bandila
na siyang sagisag ng rebolusyon at pakikibaka
pagbibigkisin kayo sa iisang adhika
mahalin ang kabiyak at paglingkuran ang masa

isa man sa inyo ang mawala o pumanaw
damdaming aktibista ay di nalulusaw
ika’y ibabantayog sa puso niya habang buhay
pagkat ika’y minahal at naging bahagi ng kanyang buhay

o aktibista marami dyan sa mga paaralan
naruon din sa pabrika at mga sakahan
lalo ng marami duon sa kabundukan
hindi lang aktibista kundi mandirigmang romantiko ng bagong hukbong bayan (https://www.bulatlat.com)

Share This Post

One Comment - Write a Comment

  1. Ang galing pashare

Comments are closed.