#15yearsofBulatlat | ‘Bulatlat is a witness to our struggle,’ says OFW

bulatlat15-logoSalamat po sa Bulatlat sa malayang pagpapahayag nang aming mga hinaing lalo na sa aming naranasan dito sa ibayong dagat.

Isang dekada rin nakasubaybay sa aking buhay ang Bulatlat magmula sa Taiwan taong 2005, sa Kuwait 2006 hanggang 2008 at Qatar 2009, hangang sa Libya noong 2011 .

Sa sobrang saya ko po ngayon para mag sulat sayo ay di ko alam kung pano baybayin ang aking mga masalimuot at malagim na karanasan sa buhay abroad.

Parang kailan lang ako ay muntik namatay sa Taiwan at naka-wheel chair ng biglaang pinauwi ng Formosa Plastic Company pagkatapos ng aming malaking strike noon July 14 to 15, 2005 na umabot ng 600 OFWs.

Kung naka red carpet sa NAIA airport ang mga stranded OFWs na nakauwi galing sa Middle East noong panahong sinalubong sila ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ako naman ay nasa red blanket na puno ng saliring dugo habang papalapag sa Hongkong International Airport para sa agarang medikasyon ko noon August 2, 2005.

Sariwa pa sa aking alaala sa picket line noon sa Taiwan at kung paano namin pinaghandaan ang lahat para manalo ang aming laban dahil kami ay napabayaan ng POLO-OWWA-MECO Taiwan sa ilalim ni Atty.Henry Parel at Welfare officer Nestor Burayag.

Biro mo mula ng kami ay umaklas sa hanay naming mga Pinoy 600 pagbalik ko ng Taiwan ay umaabot na kami ng 5,700 kasama na ang mga Thailander sa buong planta. Nakarating pa ng Congress ang kaso sa tulong ni Rep. Crispin Beltan ng Anakpawis Partylist at isang congressman mula sa Taiwan.

Lubos ko din naalala ang mga laban namin sa Kuwait sa isang malaking welga kasama ang mga migranteng manggagawa ng aking pinasukang kompanya.

Paborito ko pong sulatan ang Bulatlat sa pag-expose ng mga kasong naiwanan ng PH embassy ng Kuwait lalo sa mga minaltrato, mga rape victims at iba pang malalang kaso noon.

Di ko makalimutan yun mga nag welgang more than 500 drivers na OFWs sa border pa lang ng Iraq ay nandoon ako upang magbigay ng pag-aaral sa kanila at upang magmulat kung paano ipagtangol ang kanilang lihitimong karapatan. Ganon din ang mga kababaihang Pinay sa isang makaking Hospital sa Jahara, Kuwait na umaabot ng 400 noong sila ay mag-strike.

May 380 o 400 din kaming mga OFWs na umalakas sa Qatar laban sa mapang-aping Korean company.

Pareho lang ang mga naranasan naming sa mga kompanyang ito. Ilan sa mga common na struggles ay contract violation, substitution of contract, downgrading of salary, non-payment of overtime, at maging verbally abused. Dahil sa mga kabulukan, tayo ay tumatayo para sa pagbibigay ng kamulatan sa mga kapwa OFWs at ibang lahing migranteng manggagawa. Umabot din sa Senate Labor Committee ang kaso at maging sa United Nations.

Minsan sa silid lang ng kuwarto ako nagbibigay ng pagaaral pero pag lumawak sa project site o mismo sa malawak na lugar para matalakay ang buo at maunawan ang karapatan nila. More than 11,000 kaming nag welga sa Sulaibiya, Kuwait dahil sa aming bulok na company noong June 2007.

Kung hindi man ako naging guro sa atin bansa, dito sa abroad ay naging registered teacher ako sa paaralan ng Migrante International tuwing Huwebes ng gabi at Friday kapag naka-off.

Karamihan sa amin ay galing sa uring masasaka at maggagawa sa ating bayang gutom.

03122011_migrante_libya_gil_lebria_02Ako ay dakilang magsasaka sa Ilocos sa lugar ng aking asawa mulat napauwi noon gerang agrasyon sa Libya. Napakahirap ng buhay sa bukid lalo na kung walang supurta ang ating pamahalaan sa abono o binhi ng sibuyas, bawang o palay. Balot ako sa utang para lang makapagtanim.

Nabubwisit din ako sa mga politikong nakinabang sa pondo ng bayan lalo na sa Fertilizer scam at Napoles scam na yan. Kung napamahagi lang sana sa amin di wala sana ako rito sa abroad? Naiwanan na kaming magsasaka sa mga kalapit na bansa katulad sa Taiwan. Nakita kung gaano ka moderno ang mga kagamitan nila high-tech sila. Subalit sa atin ay pang-B.C. ang kagamitan manual na araro sa kalabaw. Mayroong libreng patubing sa palayan namin tuwing meron malakas na ulan at bagyo dahil walang irrigation project ang gobyerno.

Ang laging ulam ko noon sa probinsiya ay pang-B.C. din tulad ng bagoong o tuyo daing. Pag meron masamang naramdaman sa katawan o pagkasakit sa libreng pagamutan din kami lalapit sa albularyo, dahil sa health center at publikong hospital di kaya. Minsan meron libreng gamot kaya lang expired na.

Kaya naisapan ko’ng babalik na lang po sa abroad kahit makabuluhan, masalimuot ang buhay okay na kaysa pinas na walang kaming maasahan. Kahit papano dito pag magkasakit kami, merong libreng Health Medical sa labor Insurance.

Totoong masarap mamuhay kasama ang pamilya sa sariling bayan, kaya noon 2013 sinubukan ko uling mamasukan sa isang power plant sa central Visayas region. Masaya kaya lang ay walang job security sa pag nagtrabaho sa ating bayan dahil kontraktuwal lang at pagsapit ng limang buwan ay wala nang maasahan. Kung pwede lang sana mag-apply ngayon ng Board member or Director sa SSS na meron P2.4 million na sahod dahil sawa na kami pangtawid gutom na sahod abroad, di naman ako qualified.

SSS at Philhealth namin ay gatasan lang ng BS Aquino dahil wala naman pakinabang katulad ng Philhealth sa more than 230 countries and territories na meron OFWs ay walang silbi ang card na di i-honor. Ang SSS din pang remittance lang buwanan para sa dambuhalang SSS official workers lang hindi sa mga amin mga membro.

Pagibig at SSS Housing sa mga OFWs kuno ay napakamahal ng halaga na pautang. Ayaw ko dahil na lang nang nakita ko pabahayan ng NHA ang akala ko ay livelihood program ng OWWA-SSS at Pagibig dahil parang pala isdaan, yun pala ay bahain pag tag-ulan.

Programa ng OWWA sa amin noon galing ng Libya pautang ayun ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz ng DOLE para sa mga bagong bayani. Hangagng sa dami ng seminars na aking na-attendan, wala ni pesong duling nakuha ko sa OWWA na yan. Naku po kung kikislab ang gulo dito sa Gitnang Silangan, ano na naman kaya ang pang-uuto ni Baldoz sa amin pag-uwi ng Pinas?

Noong March 2, 2011 palapag pa lang namin sa NAIA galing sa magulong gyera sa Libya, pinapurihan kami ni Baldoz ng: “Mabuhay ang mga Bagong Bayani ng bayan!” Namimigay siya ng jacket at cup with OWWA logo kaya sa galit naming mga migrante na higit 450 OFWs na mga kasama ko mula Djerba Tunisia, Malta Euoropa ay nag piket kami sa airport NAIA. Saksi kayong mga taga-Bulatlat sa aming mga hinaing noon.

Kaya mayaman sa aral, kamulatan, sakripesyo ang buhay OFWs. Masaya lang kami sa Facebook pero sa ilalim ng aming damdamin at kasalayukuyang hinarap ay problema.

16 years ago at sa pangalawang pagkakataon nakabalik ako at nagtrabaho dito sa Saudi. Walang nasayang na panahon para sa kapwa OFWs at agad na nag organisa, nagtayo ng chapter ng Migrante at tumulong sa mga inaaping mga OFWs lalo na sa mga kababaihan.

Tanging sandata ng mga pobreng OFWs ay ang kaalaman ukol sa kanilang karapatan dito sa abroad. Laging tinuturo namin ang batas paggawa ng Saudi Labor Law para sa aming mga migrante, paano magsampa sa NLRC at kung inabusao ng employer, administrative case para sa local recruitment agency para maka pag sampa sa POEA.

Ang mga pundo ng OWWA at DFA na tinapyasan ng Pangulong BS Aquino lalo sa legal assistance fund at repatriation.

Sa usaping legal ay walang ayuda ang pamahalaan para sa mga nangailangan dito sa abroad. Kawawa ang mga OFWs na nakakulong at mga stranded kahit gusto man ipaglaban ang kanilang sarili pero walang magawa.

Lumangoy ang ekonomiya ng ating inang bayan dahil sa aming mga migranteng OFWs pero walang konretong proyekto para sa amin ang pamahalaan.

Dito sa Eastern Region, ako ay masaya na nasa Committee ng Rights and Welfare Assistance Program (RWAP) Migrante bilang regional coordinator at Education committee at Migrante Partylist.

Kaya bantay tudo na kami sa Sex for flight tandaan niyo galing yun dito ang kaso sa mga DH pinay na biktima ng pang abuso ng amo at biktima mula ng polo owwa official. 8 hangang 12 Dh araw araw o gabi gabi akong nakatangap ng tawag hihingi ng tulong o payo.ang labor export program dapat ng laban na tuloyang ibasura at mag rekha ng trabaho sa sariling bayan ang pamhalaan at tunay n agraryo sa lupa para sa mga magsasaka. (https://www.bulatlat.com)

Maraming Salamat po sa Bulatlat!
Mabuhay po kayo!

Gil Lebira
Regional Coordinator
Migrante

Share This Post