a
Itigil, viajero, itugma ang iyong kalendaryo sa ‘Bayan ng Hapis’

(Photo by G. Estella/Bulatlat)

Published on Jul 6, 2016
Last Updated on Jul 6, 2016 at 3:12 pm

(Photo by G. Estella/Bulatlat)

(Photo by G. Estella/Bulatlat)


Ni E. SAN JUAN, JR.

Bawat umaga
binibilang ng militanteng Alan Jazmines kung ilang linggo, buwan, taon na siya nakapiit at kailan maitutuwid ang baluktot na kalakaran

Abo na lamang ang apoy kagabi sa kampo sa Sierra Madre
ngunit may titis pang umuusok, lumusong-umahon… Sa nagbabagang uling,
sipat ng tanod, may kagampang nakahimlay ang kislap, liyab, sunog
na tutupok sa bulok na bilangguan sa kahinugan ng panahon.

Bawat tanghali
binibilang ng detenidong Maricon Montajes kung ilang araw, linggo, buwan ang ninakaw sa kanya ng gobyerno, kailan maibabaligtad ang tadhana

Sa gilid ng estero ng kulungan umusbong at bumuko
ang ligaw na halaman, namukadkad ang pulang bulaklak
sa lilim ng mga baril-kanyon ng Estado lingid sa orasan… Umigpaw,
tumakas habang naglalasing, nagsusugal ang mga sundalong nagbabantay.

Bawat takip-silim
binibilang ng aktibistang Tirso Alcantara kung ilang sampal, bigwas, palo, tadyak at bugbog ang gantimpala sa kanya ng militar– kailan darating ang ganting hustisya?

Mula sa bukal sa bundok gumagapang ang batis di pansin ang orasyon….
Sa gubat umaagos sa magdamag, tangay ang dugo’t luha ng pakikihamok,
Nilulusaw ng ilog ang inip ng pag-aasam–Sapaw na ang paglalamay sa gabing ito.
Di na mabilang ang masang tumatawid sa dagat. Kabilang na tayo. Naganap na.

Oras na ng pagtutuos. (https://www.bulatlat.com)

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

Ads

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

MORE FROM BULATLAT

Pin It on Pinterest

Share This