a
Liham sa mga Mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas
Published on Jan 13, 2007
Last Updated on Feb 5, 2011 at 7:42 am

ADVERTISEMENT

Ni Joi Barrios-Leblanc *
Congress of Teachers for Nationalism and Democracy (CONTEND)
Inilathala ng Bulatlat

Hubo’t hubad,
Nakadipa’t nakatingala sa langit
Ang estatwa sa harap ng Quezon Hall.
Iskolar ng bayan
Na nag-aalay ng buhay
Para sa bayan.

Ngunit kung ang iskolar
Ay di na iskolar,
Kung ang pag-aaral
Ay di na abot-kamay
Ng walang yaman,
Ang estatwa’y bakit hindi damitan,
At telang itim ay ibalabal?
Tumutol at magluksa!
Anong kahihiyan ng bayang
Di kumakalinga sa kanyang kabataan!

Pagkat may pangako na binigo,
Batayang prinsipyong naglaho.
Na ang bawat mag-aaral
Sa pinagpipitagang pamantasan
Ay iskolar ng kanyang bayan.
Dapat sana’y, sa simula’t dulo,
Buong-buo,
Iskolar ng kanyang bayan.

Inilathala ng (Bulatlat.com)

* Si Propesor Joi Barrios-Leblanc, Ph.D. ay dating Associate Dean for Academic Affairs sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman at kasapi ng BAYAN Women’s Desk

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This