a
Published on Jan 13, 2015
Last Updated on Jan 13, 2015 at 11:59 am

ADVERTISEMENT

ni Lionelle Andrew Duque Tan
Bulatlat.com

Naputulan kami ng kuryente kanina
Kaya inilabas ko ang gasera,
Ipinatong ko sa lamesa
At nagbasa.

Kay lalim na ng gabi,
Pero gasera pa rin ang nasa tabi,
Mga aklat na akin pang binili,
Makapag-aral lang nang mabuti.

Nagsusunog ako ng kilay
Para iahon sila nanay
Sa aming hikahos na buhay.

Hanggang sa abutin ng antok
At paupong nakatulog.
Kinagat ako ng lamok.
Gasera’y natabig at nahulog.

Gasera’y sumabog
At pinagmulan ng sunog.

Kung nakabayad lang sana si Nanay,
Kung hindi lang kami hirap sa buhay,
Kung hindi lang pinatay si Tatay
Dahil sa pagsigaw sa pagkapantay-pantay,
Kung hindi ko lang kailangan magsunog ng kilay
Nang makatapos at may
Maihaing konting tinapay.
At makasabay
Sa mga pagtaas ng presyo na walang humpay.

Hindi ko na sana kailangan ng gasera.
Hindi na.
Ngayo’y alam ko na
Ang kailangan na
Ay bala.
(https://www.bulatlat.com)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This