a
Oda sa mga Ordinaryong Araw (Kay Karen Empeño)
Published on Jun 25, 2007
Last Updated on Feb 4, 2011 at 9:48 pm

ADVERTISEMENT

NI PHILIP ANORICO*
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 20, June 24-30, 2007

Lagi akong nagbabakasakali
Baka ikaw ang nakatabi ko sa bookstore,
Nakasiksikan sa jeep,
O nakasalubong sa overpass.

Lagi, dinadalaw mo ako
Sa mga ordinaryong araw
na katulad nito.

Kapag nakakakita ako
Ng nakatalikod na babaeng maliit,
Lampas-batok ang buhok,
Balingkinitan ang katawan,
Hinihintay kong humarap siya
Sa pag-aakala at pag-asang
Ikaw na nga iyon.

Sa mga ordinaryong araw
Na katulad nito
Lagi, dinadalaw mo ako.

At nang manghiram ako
Ng aklat sa UP Main library
Nagitla ako namng mabasa sa borrower’s card
Ang pangalan mo –
Karen Empeno.

Katulad nito
Lagi, dinadalaw mo ako
Sa mga ordinaryong araw.

15 Marso 2007

Inilathala ng(Bulatlat.com)

*Si Philip Anorico ay estudyante ng BA Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Malapit niyang kaibigan si Karen Empeño – na noong Hunyo 26, 2006 ay dinukot ng mga elemento ng Philippine Army sa Hagonoy, Bulacan kasama nina Sherlyn Cadapan at Manuel Merino.

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

MORE FROM BULATLAT

Pin It on Pinterest

Share This