Muntik Na Kitang Malimutan, Laurie (Mabuti Na Lamang, May Nagpapaalala)

NI NOEL SALES BARCELONA
Inilathala ng Bulatlat

Para kay Ma. Lorena Barros (March 18, 1948-March 24, 1976), martir ng Bayan

Muntik na kitang malimutan, Laurie
Kung hindi ko pa muling nakita
Ang naghihingalong lagay ng aking bayan.

Nabubulagan na kasi minsan ako
Sa ilaw-dagitab ng kapitalismo
Parang gamu-gamong uhaw-na-uhaw sa init at ilaw.

Muntik ko nang malimutan
Kung paano pumipintig ang puso mo
Para sa maralitang lagi na lamang dayukdok sa kahirapan.

Mabuti na lamang,
Nakita ko ang batang yagit sa lansangan
Na nakahiga sa bangketa, nilalangaw.

Mabuti na lamang nasaksihan ko
Ang unti-unting kamatayan ng magbubukid
Na duguan sa linang dahil sa pagtatanggol sa kapirasong lupa.

Mabuti na lamang nakita ko
Ang daluyong ng mga bisig na nag-uumalsa
Sa kabila ng rimarim ng karahasang inihahalihaw ng Estado.

Muntik na kitang malimutan, Laurie
Ikaw na laging bukambibig ng tulad mong rebolusyonaryo,
Si Bay na nahihimlay na rin.

Mabuti na lamang,
Nakita ko ang ugatang bisig
At nangangalumatang antatao ng busabos na manggagawa.

Mabuti na lamang,
Nasaksihan ko ang patuloy na paggahasa
Ng mga gahaman sa ating likas-yaman.

Mabuti na lamang nakita ko
Kung paano magpakabusog
Ang mga lintang pulitiko sa pawis at dugo ng mga anakpawis.

Mabuti na lamang…
Mabuti na lamang at ipinaalala
Ng dagundong ng punglo ng digmang bayan
Ang dalisay at mayumi mong ala-ala Laurie…

Mabuti na lamang
At nagpapatuloy ang mga Pulahan
Sa kanilang paglaban.

Baka kung hindi
Malimutan kitang tuluyan,
Ang pagkamartir mo, Ka Laurie…

Lungsod ng Malabon | Marso 26, 2009

Inilathala ng Bulatlat.com

Share This Post

One Comment - Write a Comment

  1. You wrote (in your March 2009 poem):

    Mabuti na lamang

    At nagpapatuloy ang mga Pulahan

    Sa kanilang paglaban.

    Kindly be careful in using the term "Pulahan", as you may mean "Reds" (Makabayan). And yet in Philippine history, "Pulahan" (Pulajanes) are a notorious religious fanatic paramilitary group that is violently against what "Reds" (Makabayan) are fighting for. The "Pulahan" fanatics were used by the previous administrations, e.g. Marcos and Aquino, to crush and punish the Makabayans and their supporters in the South. They used to be collaborating with the CHDF, Cafgu and other anti-Makabayan groups and they tormented townsfolks with terrorism and banditry. They were/are notorious for chopping their enemies in pieces beyond recognition.

    Here is one link of a news article where "Pulahans" are mentioned:
    http://www.balitapinoy.net/print_this_story.asp?s

Comments are closed.