a
Stolen Shots
Published on Sep 2, 2006
Last Updated on Feb 5, 2011 at 7:51 am

ADVERTISEMENT

NI MARK ANGELES
Bulatlat.com

Tinawag nilang camera obscura,

“babasaging salaming may alaala”

ang maysa-de-gulat na makinang

dumudukot ng mga kaluluwa.

Ibinababad ang huwad na liwanag

sa nakayukyok na birheng kambas.

Doon naglalatak ang mantsa

ng gutom, sakit, at giyera…

Mahihirati sa pagkaabstrakto

ang dayukdok na potograpo,

kaya ihihilera ang mga biktima

(sa black & white, minudensiya’y

mga lagas na aparato). Titimbuwang

ang tutugon, sa senyas ng kanyang ngalan.

(Habang sinusulat ito, mahigit 700 sibilyan na ang napatay sa ilalim ng pasismong Arroyo.)

Inilathala ng Bulatlat

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This