Balita ay Lutong Putahe

NI LYN O.

Inilathala ng Bulatlat


Balita ay lutong putahe
Pinipili ang sangkap sa mga detalye
Hinuhugasan ayon sa ikakasariwa.
Hinihiwa ayon sa tema…
Ngunit kadalasan –
Minamabuting dikdikin ang mga sangkap,
Nang gayo’y saglit lang na isasalang
Sa kwadradong kalang de-saksakan,
At sa ‘tinagal, sustansya ng balita’y latak na lamang.
At kung sa tikim ay sadyang kinulang,
May dagdag na pampalasang mainam.
At bago pa man ihain sa madla,
‘Sang katerbang sawsawan ang kailangang ihanda.

Share This Post