19. Santacruzan. More than just a beauty contest, this one has religious overtones, a tableau of St. Helena’s and Constantine’s search for the Cross that seamlessly blends piety, pageantry and ritual. Plus, it’s the perfect excuse to show off the prettiest ladies — and the most beautiful gowns.
Noong nag-Santacruzan sa isang community center sa Nagoya, mga 2000, ipinapaliwanag sa akin ang kahalagahan nitong Flores de Mayo. Ang sinabi ko ay tungkol ito sa OCW rin, ang matagalan at pursigidong paghahanap at pagsasakripisyo. Maingay pa rin ang audience at inaantay lamang nila kung sino ang puputungang Reyna Elena.
20. Balut. Unhatched duck’s embryo, another unspeakable ethnic food to outsiders, but oh, to indulge in guilty pleasures! Sprinkle some salt and suck out that soup, with gusto.
Kasama ng mga uod, bayag ng baka at tupa, titi ng usa, gagamba at ipis, ang balut ay naging kabahagi na ng ipinapakain sa kontestants ng yumaong Fear Factor, isang reality contest na ang batayan ng pagpanalo ay yaong kayang kumprontahin ang kanilang takot. (Bulatlat.com)
(Halaw sa “100 Good Reasons to be ‘Pinoy’” na finorward ni Dr. Robert L. Yoder sa pinoytok@yahoogroups.com, inakses noong 12 Pebrero 2006.)








0 Comments