Moog na Prinsipyo

NI RADO CERVO

Inilathala ng Bulatlat

Ang moog

sa bundok

ay di matitinag

kung bawat prinsipyo’y

ating iyayakap

nang buo’t

mahigpit

sa katawang

kaltab

ng labanang

hindi kailanman

mapupuknat

sa mahal

kong bayang

sintang Pilipinas.

Inilathala ng(Bulatlat.com)

Share This Post