Oplan Bantay Laya, Sumalangit Nawa

NI E. SAN JUAN, JR.

Inilathala ng Bulatlat

Natiyempuhan ko lamang basahin sa pahayagan kamakailan

ang balitang nagpakamatay sina Librado at Martina Gallardo

sa Barangay Conversion, Pantabangan, Nueva Ecija —

hintay muna, baka may masahol pang higit sa tinamasang hagupit —

upang maiwasan ang walang pakundangang tortyur ng Armed Forces of the Philippines.

Uminom lang ng pesticide, ayos na —

Tumakas na sila sa walang patawad na sundalo ng 48th Infantry Battalion —

Sabi ni Heneral Palparan: “We are sorry if you are killed in the crossfire.”

Hintay muna, baka may malupit pang sentensiya sa inyo!

Lason sa balang at salot, nakalusot din sa “crossfire” ng mga bantay-salakay….

Lumaya rin sa gobyernong mapagkandili’t maawain

Nakaiwas din ang dalawang bangkay sa mapagpalayang militar

Salamat po, Heneral, sa hatol niyo’t pagpapaumanhin —

Salamat po, Madame Presidente, sa pesticide na inyong mamanahin —

Sa susunod na “crossfire,” “sorry” din kami’t kayo po’y hihintayin….

Inilathala ng(Bulatlat.com)

Share This Post